Kabanata 29 LEONARDO smiled upon seeing the photo of his son with this familiar lady. Si Freya ang nag-send sa kanya ng litrato na iyon, mula raw sa event ng mga Engineers ng DENR. The event happened four nights ago, at ngayon lamang daw nakuha ng hipag niya sa mismong page ng ahensya. Napangiti ang matanda hindi dahil sa nakikita niyang mukhang may lakas ang panganay niya sa mga taga-DENR, pero dahil parang nagkakaroon siya ng ideya na si Dusk ay nagbabago na. Dati, ang kinukulit sa kanya ng anak ay pansugal, pera, layaw sa bisyo, kalayaan para bumisyo. Ngayon, hindi niya napauwi ang anak sa kabila ng banta sa buhay no'n. And he also believes that it's also about politics, and nothing more. Ngayon na tinanggihan siya ng anak sa alok niya na umuwi na iyon at ibabalik na niya ang mga isi