Kabanata 41 PAGKASABI niya na gwapo ito ay napayuko siya. Iyon naman ang totoo kaya bakit niya hindi sasabihin? Kahit na ipakukulong siya nito, walang masama na sabihin niya ang totoo. Na ano? Na gwapo nga ito. Gwapo lang ba, o pinakagwapo? At kung ipakukulong talaga siya nito o dadalhin sa trial ay mapipilitan siyang gamitin ang huling alas niya para hindi siya makulong. Gugustuhin ba nitong ipakulong siya kasama ng ipinagbubuntis niya? At anong palagay niya, maniniwala ito basta-basta? Hindi ganoon katanga si Dusk. Baka dukutin nito ang bata sa matris niya at ipa-DNA ora mismo. Siya nga na isinuko rito hindi lang ang buong Bicol kung hindi buong Asya ay hindi nito nagawang paniwalaan. How much more this pregnancy? But by hook or by crook, she will fight for it. Kung hindi niya ito