Chapter 24

2940 Words

“PAKAWALAN mo ang nanay ko!” asik ni Ellie sa lalaking gumagapos sa nanay niya. “Aba! Matapang ka rin, ah. At mukhang marami kang alam sa mga bampira dahil hindi ka man lang natakot sa hitsura ko. Pero walang masasaktan kung pati ikaw ay sasama nang matiwasay sa akin, dalaga,” anito. Kinabahan siya. “H-hindi ako sasama sa iyo!” Tumawa ang lalaki. “May magagawa ka pa ba kung pipilitin kita?” anito. “Alfon!” Nanlaki ang mga mata ni Ellie nang marinig ang tinig na iyon ni Zyrus, subalit hindi niya ito makita. Nagulat si Alfon, maging ang nanay niya, pero katulad niya’y hindi rin nakikita ng mga ito si Zyrus. Lilinga-linga sa paligid ang mga ito. Mamaya ay may kung anong tumama kay Alfon at bigla na lang itong bumulagta sa sahig. Kumurap lang si Ellie ay biglang lumitaw si Zyrus sa likur

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD