NAUDLOT ang magandang panaginip ni Ellie nang may mainit na bagay na naglalakbay sa hubad niyang katawan. Nakakaliyo ang init niyon. Unti-unti siyang nagmulat ng mga mata. Napangiti siya nang mamataan niya si Zyrus na pinupuno ng mainit na halik at pinong kagat ang dibdib niya. “Good morning,” bati nito nang ilapit nito ang mukha sa kanyang mukha. Sandali nitong pinaghinang ang kanilang mga labi. “Hmmm… good morning,” nakangiting ganti niya. Pagkuwa’y muling naghinang ang kanilang mga labi. “The best morning call, huh?” aniya, nang iwan nito ang labi niya. “What do you want for breakfast?” “You,” sarkastikang sagot niya. “I want you too,” anito at bigla na lang sumampa sa kanya. Hinayaan niya itong punuin nito ng halik at mumunting kagat ang bawat bahagi ng kanyang katawan. Wala siy