PAGKATAPOS ng hapunan ay nagpaalam si Ellie kay Roy na maglakad-lakad muna siya sa dalampasigan. Gusto niyang lumanghap ng sariwang hangin. Maya’t-mayang naninikip ang dibdib niya habang kasama niya si Carla. Talagang pinag-iinitan siya nito. Hindi niya inaasahan na susundan siya kaagad ni Roy. Maaliwalas ang paligid dahil sa bilog na buwan at napupuno ng mga bituin ang kalangitan. “Huwag mo nang intindihin ang sinabi ni Tita Carla,” anito nang makalapit sa kanya. “Paano ang lolo mo?” nababahalang tanong niya. Hindi kaagad nakaimik si Roy. Deretso ang tingin nito sa maalong karagatan. Narinig niya ang magkasunod na buntong-hininga nito. “Sa totoo lang, gusto talaga kitang isama rito para malaman ko kung talaga bang may aasahan at babalikan ako sa iyo. Pero sa palagay ko nagkamali ako n