“KUMUSTA na si Ellie?” hindi natimping tanong ni Zyrus kay Roy, nang magpang-abot sila sa doctor’s office. Bumalik ulit siya ng duty sa gabi. Naabutan pa niya ito. “Okay lang. Sa Monday ko na siya papapasukin sa trabaho,” tugon nito. Nag-aasikaso na ito para umuwi, habang siya ay magsisimula pa lang ng trabaho. Silang dalawa na lang ang naroon. Isinuot na rin niya ang coat niya. “Nagsasama na ba kayo sa iisang bahay?” hindi natimping tanong niya. Curious kasi siya, madalas itong naroon sa bahay ni Ellie. Noong minsang bumisita siya nang palihim sa bahay ng dalaga ay nakita niya roon si Roy, kasalo sa pagkain si Ellie, sa may lobby. “Ha? Hindi,” mariing tugon nito. “Kumuha lang ako ng apartment malapit sa bahay niya ni Margie, para madalas ko siya mabisita.” “Sa palagay ko kaya na ni