Chpater 4

1872 Words
Chapter 4 Luningning's PoV HINDI ako makapaniwala sa sinasabi ng lalaking nasa harapan ko. Oo guwapo siya, makisig, matangos ang ilong, makapal ang kilay, may bigote, nakapusod ang mahaba nitong buhok. Mapula ang mga labi nito at ang mga mata parang kulay blue na black. May ibang lahi yata ito. Nagawi ang mga mata ko sa pagitan ng hita nito. Siomai! "Ano? Deal or No Deal?" untag nito sa akin. "Halika!" Hinila ko ang lalaki sa may bilihan ng palamig. Katapat ng beauty salon. Tila nawalan ako ng tubig sa lalamunan dahil sa alok ng lalaki. Bumili ako ng palamig at mabilis na sinipsip iyon. Sumandal naman sa poste ang lalaki at tinignan ako. Sa dinami-rami ng lugar dito pa sa palengke ito nag-propose my gas. "O ano. Papayag ka ba?" muling tanong nito. "Seryoso ka ba? Pero teka baka mabuntis ako. O, baka mamaya hiwalayan mo rin ako." Nakatitig ako sa mukha nito habang sinasabi iyon. Tumawa ito sa mga sinabi ko. "Don't worry kahit dulo ng daliri ko hindi hahawak sa katawan mo. At hindi ka mabubuntis dahil hindi kita hahalikan. Magpapanggap ka lang na asawa ko ng isang buwan o hanggat gusto ko. Titira ka sa bahay ko, aasikasuhin mo ako bilang asawa at wala ka ng ibang gagawin. Bibigyan kita ng one hundred thousand bilang kapalit ng pagsisilbi at pagpapanggap mo." "Eh, kasi..." Hindi ko alam kung papayag ba ako o hindi. "So hindi ka papayag. Okay hahanap na lang ako ng iba." Tinalikuran ako nito. Pinigil ko ang lalaki hinawakan ko ang braso nito. "Kailangan ko talaga ng pera dahil palalayasin na ako sa tinitirhan ko. At isa pa marami akong utang na dapat bayaran. Hina-hunting na nga ako sa amin. At kailangan ko ng tulong, oo, pero iyong magpanggap na asawa mo? Seryoso ka ba riyan?" "Ang dami mong sinasabi. Papayag ka ba o hindi?" Iritable nitong tanong. "Papayag na!" Mabilis kong sagot. "Mag-umpisa ka na ngayon!" Hinila ako nito papasok sa beauty salon. Mamahalin ang salon na ito sa palengke ng Calauag Paradise. Mga mayayaman lang ang nagpupunta rito dahil ang balita pang international level daw ang galing ni Bruce Willis. Ang sikat na baklang may-ari ng Beauty Salon. Sinalubong ito ng may-ari na si Bruce. Tila magkakilala ang dalawang ito kunsabagay parehong mayaman. "Hi, Tristan." Nakipagbeso ang bakla dito. "Long time no see, Bruce," sabi ni Tristan na inakbayan pa ako. Napilitan akong ngumiti at hinawakan ang bewang nito. At mukhang pananantsing na yata ang ginagawa ko. "Kailan ka pa umuwi? At sino ang babaeng kasama mo..." Nagtaas pa ito ng kamay mukhang ngayon lang nakakita ng maganda. Kinabig ako ni Tristan. "My wife... nagtampo kasi siya sa akin kaya naglayas. At ngayon nakita ko siyang muli at nagulat nga ako dahil napabayaan na niya ang kanyang sarili." Umakting pa ito. Gusto kong matawa sa sinasabi ni Tristan. "O, sorry, Tristan." Tumitingin-tingin pa si Bruce sa gawi ko pataas at pababa. "Bruce, I know mapapaganda mo siyang muli." "Oo naman, Tristan. Ako na ang bahala sa asawa mo." Nginitian ako ng baklang parlorista at kinindatan. "Thank you. B-babe aalis muna ako, a. Babalikan kita mamaya." Hinagkan niya ako sa noo. Tskk! Masasapak ko na yata ito. "O-okay... b-babe," nauutal kong sagot. Nginitian naman niya ako pero inirapan ko siya. Baka isipan pa ako ni Tristan ng masama. Aba, kahit na mabilis akong pumayag hindi naman ako katulad ng ibang babae na mabilis makuha. "Mrs. Elizarde... this way please." Muli aakong tinignan ni Bruce. Hanep kung makatingin para akong hinuhubaran. Sinenyasan nito ang apat nitong alalay. Hinawakan ako sa braso at pinaupo sa harapan ng malaking salamin. "Hubarin ang sapatos." Utos nito sa mga babaeng assistant nito. Alisto naman ang dalawang assistant nito. "Itapon sa basurahan!" Malakas na sabi ni Bruce na talagang boss kung makapag-utos. "Wag naman oy. Pinaghirapan ko 'yan!" Kinuha ang mga pares ng sapatos ko at inilagay sa bag ko. Bakas ang pagkadismaya ng bakla sa harapan ko. "Asawa ka ni Tristan, at hindi bagay sa iyo ang ganyang mga gamit! At teka nga, saang lupalop ka ba galing at ganiyan ka manamit. Hindi ko alam kung baliw na ba si Tristan o..." Umikot ito sa harapan ko. "Ginayuma mo?" Inilagay nito ang hintuturo nito sa pisngi ko. Hindi ako umimik baka mabuko pa ako. Lagot ako kay Tristan. At bakit ko naman siya gagayumahin. Hello, si Tristan kaya ang naghanap sa akin. "Wala tayong babaguhin sa buhok na amoy!" Napatakip ito sa ilong. "Bareta?" "Wala akong maibili ng shampoo!" Singhal ko. Aba isang lait pa nito sa akin uupakan ko na talaga. "Ang mga kamay puno ng kalyo. Ang mga kuko virgin pa sa manicure pati na ang paa. You are beautiful, kaso hindi ka nag-aayos. Nakakalungkot na may mga pinagpala sa kagandahan pero hindi inaalagaan ang sarili." "Aalagaan mo pa ba ng tama kung kumakalam na ang tiyan mo!" singit ko sa sinasabi nito. "Bakit hindi ka bumalik kay Tristan? Isang mayaman ang napangasawa mo, 'di ba? And for sure hindi ka niya pababayaan. Kilala ko si Tristan, babaero siya pero pagdating naman sa mga importanteng tao sa paligid niya kaya niyang magseryoso. Puwera na lang kung hindi ka talaga niya asawa." Idinikit ni Bruce ang mukha niya sa mukha ko. At mabilis ding lumayo sa akin. Gas! Ano na lang ang sasabihin ni Jumbo kapag nalaman nitong may asawa na ako. At nangyari iyon sa loob lamang ng isang araw. Binalingan muli ako ni Bruce. Sinenyasan ako nitong tumayo at inutusang maligo. Magpa-body scrub at massage. Tinanggal ang mga kalyo ko sa kamay at paa. Pagkatapos bumalik muli ito na may dala ng mga bagong damit. Isang red dress na hanggang hita ko lang. Naiirita ko dahil nakikita ang cleavage ko. Ngayon lang ako magsusuot ng ganitong klase ng damit sa buong buhay ko. Madalas nakikita ko lamang itong suot ng mga artista sa t.v. Pero syempre kailangan kong umasta na nakasuot na ako ng ganitong klaseng damit para hindi naman ako magmukhang inosente. Ipinasuot pa sa akin nito ang silver na high heels. Kaso dalawang beses akong natapilok dahil dalawang inches ang taas no'n. Kaya naman pinalitan nila iyon ng flat sandal na kulay red. Mamahalin ang mga iyon. Pagkatapos ay inayusan ako ni Bruce. Inayos lang nito ang buhok ko paitaas at nilagyan ng hair clips. Inayusan ako sa mukha nito at nilagyan ng light na make up at saka red lipstick. Hindi ko na nga makilala ang sarili ko sa ayos ko. Malayong-malayo sa jologs at baduy kong style. Sa isang iglap lang bigla akong gumanda kahit alam kong panandalian lamang lahat ng ito. Bumalik si Tristan pagkaraan ng tatlong oras. Namangha ito nang makita ako. Ilang segundo itong natulala. Gandang-ganda ito sa beauty ko. In fairness nagmukha akong tao. "What can you say?" tanong ni Bruce kay Tristan na pinaikot pa ako sa harap nito. "Beautiful..." anas ni Tristan. Namula ako. "Matagal na akong maganda," bulong ko sa sarili. "Thank you, Bruce," sabi naman ni Tristan. Nginitian nito si Tristan. "Anything for you, Tristan." Inalalayan ako ni Tristan na makalabas sa salon. Kinuha ko pa rin ang mga gamit ko at inilagay iyon sa bag ko. Sayang ang mga ito dahil pinaghirapan kong bilhin ang mga ito noon. "Huwag mong sabihing dadalhin mo pa ang mga iyan?" tanong nito sa akin habang nakatingin sa mga gamit ko. "Basura ito sa paningin mo pero... ito lang ang mga bagay na meron ako," mahina kong sagot. "Matagal kong pinag-ipunan ang perang ipinambili ko rito. At hindi mo ako maiintindihan kahit na ikuwento ko sa iyo ng buo kung paano ko nabili ang mga gamit ko." Sumandal ito sa isang kotse. Marahil kotse nito iyon. Bumuga ito ng hangin at saka humalukipkip. "Ipinaayos kita pero hanggang ngayon hindi ko pa alam ang buong pangalan mo?" Napalunok ako. "Luningning Alfonso." Inilahad ko ang kamay ko rito. Pero hindi nito iyon pinansin. Agad ko na lamang binawi ang kamay. "Saan ka nakatira, Luningning? Baka gusto mong umuwi muna sa inyo bago tayo umuwi sa bahay ko." Suhestiyon nito sa akin. Nabigla ako sa sinabi nito. "A-agad-agad?" Tumango ito. "Yes..." Bigla akong kinabahan. Tama ba ang desisyon ko. "Sinabi ko na kanina na ngayon ka magsisimula. At pumayag ka naman. Don't tell me na uma---" "Hindi ako aatras..." Putol ko sa sinasabi nito. Biglang tumunog ang tiyan ko. Sinipat nito ang relo. "Eleven thirty na pala, sumakay ka na sa kotse." Pumasok ito sa may driver's seat. Hindi gentleman ang loko, hindi man lang ako ipinagbukas ng pinto. Nakasimangot na pumasok ako sa kotse nito. Sinenyasan niya akong sa harap ako umupo katabi nito. "Saan mo gustong kumain?" Seryosong tanong nito sa akin. "Kahit saan," sagot kong malayo ang tingin. Sandaling katahimikan... "Bakit mo kailangan ng asawa? May asawa ka ba noon? O may sekreto ka na---" Tinignan niya ako ng masama. "Wala akong asawang iba... maliban sa 'yo. I mean, ayoko pang mag-asawa pero pinipilit na ako nina Papa at Mama. So naisip ko ito. At meron akong babaeng tinatakasan. Gusto niya ako at baliw na baliw siya sa akin. Kaya para na rin makaiwas ako sa kaniya, kailangan ko itong gawin." Tumawa ako. "Sa mga mayayaman lang talaga nangyayari ang mga bagay na ito. Alam mo masuwerte ka na dahil may babaeng naghahabol sa iyo. At suwerte ka sa mga magulang mo dahil pinpilit ka na nilang mag-asawa." "Excuse me?" Kunot-noong tanong nito sa akin. "Ilang taon ka na ba?" tanong kong nakangiti kay Tristan. "Thirty one..." sagot naman nito. "Lampas kalendaryo ka na pala." "Ilang taon ka na ba?" balik-tanong nito sa akin. "Twenty eight..." Tinanggal ko ang suot kong sandals dahil nangangati ang paa ko. "I see... Inihinto nito ang kotse sa tapat ng isang drive thru. Bumili ito ng cheese burgers at large na coke. Ibinigay nito iyon sa akin. "Nagpaluto ako sa mga kasambahay ko ng pagkain dahil sinabi kong darating ka. Sinabi ko na asawa ko ang dadalhin ko ngayong araw. Kaya sana 'wag kang madaldal para hindi tayo mabuko. Dahil lahat ng ibinigay ko sa iyo, babayaran mo!" Banta nito sa akin. Nagtaas ako ng kamay. "Pangako. Hindi naman ako makakalimutin. Basta ipangako mo sa akin na titiyakin mo na susunod ka rin sa bawat patakaran ko. Hindi mo dapat hinahwakan ang kamay ko kung hindi kinakailangan dahil magbabayad ka sa akin. Pangalawa, ayokong bigla akong hinahalikan. Wala naman siguro sa usapan ang ganoong mga bagay dahil hindi mo naman ako type. Pangatlo, gusto kong respetuhin mo ako bilang tao, sapat na sa akin iyon para respetuhin din kita bilang boss ko." "Fine. Alam ko naman iyon." Ipinagpatuloy nito ang pagmamaneho ng kotse nito. Habang ipinagpapatuloy ko ang pagkain. Ngayon lang ako nakatikim ng ganitong pagkain. Iba rin talaga kapag pagkain ng mga mayayaman. Pinapanuod ako nito pero hinahayaan ko na lang. Siguro gandang-ganda ito sa akin. O nandidiri na ito sa pagiging matakaw ko. Jeez! Pero kailangan kong magpakatotoo kaysa magpanggap ako sa harapan nito. Hindi ko lang talaga akalain na may isang taong mag-aalok sa akin bilang maging asawa. Kahit na peke at pagpapanggap lamang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD