Sahara Xander a.k.a Avyanna Sa unang tapak palang,kaba kaagad ang aking nararamdaman. Sa tuwing pupunta ako rito sa orphanage, ganitong-ganito talaga ang aking nararamdaman. Kaba, kaba, at kaba. Iyan tatlo ang nararamdaman ko. Bago? Hindi! Talagang hindi pa rin ako nasanay sa nakagawian ko na. “Magandang tanghali, Ma’am Avyanna!” Ngiting bati ni Dondie sa akin pagpasok sa bahay. Kinuha nito ang dala ko. “Mabuti po at nabisita kayo, na mi-miss na kayo ng mga bata.” Dugtong nito. “Mga bata lang ba talaga, Dondie?” Sabat ni Chandy. Tinapik ko naman ito upang manahimik sa pang-aasar. “Magandang tanghali din sayo, Dondie. Mauna ka na sa loob at ipasok mo na ang pasalubong ko sa mga bata. Salamat!” Masayang tugon ko. Binalikan ko naman si Chandy at binigyan ito ng masamang tingin. “Ayan k