Sahara Xander a.k.a Avyanna Nakakapanibago na mag-isa matulog. Nakakawalang gana na mag-isang kumain. Ang hirap pala na mabago na naman ang nakasanayan mong gawin. Mas nakakamiss ang LDR kahit pa sabihin na ilang araw lang. Actually, hindi pa naman ako totally napo-fall, pero kahit papaano, nagiging masaya ako sa aking ginagawa. Mga bagay na ginagawa ko kasama siya. “Beks, tulala ka na naman! Kotang-kota na sayo asawa mo kakaisip sa kanya. Baka napapagod na ‘yun.” Saad ni Eric habang inaayos namin ang ilang mga design na ginawa namin. “Sino nagsabi na iniisip ko siya?” Tanggi ko. “Naaalala ko pamilya ko, hindi ang lalaking iyon.” “‘Kelan ka pa naging unyango? Kelan ka pa nasanay na linlangin ang sarili mo? Ang kilala kong Avyanna, nagpapakatotoo sa sarili.” Napabuntong hininga ako s