Ronan Parker a.k.a Daichi/Womanizer All of a sudden, I feel so blessed right now. Hindi ko maitatanggi ang tuwa sa aking puso. All of my life, hindi ko naisip na magiging ganito ako kasaya. Masasabi ko na ngang kumpleto na ako, kami! “Hubby, nakita mo yung isang heels ko na sapatos?” Tanong ni Sahara habang naghahanap sa kanyang mga gamit. “Alin? Yung pinakamataas na takong?” “Oo! Ginamit ko pa ‘yun nung isang araw. Bakit biglang nawala! Imposible naman ‘yun.” Palihim akong napangiti. “Hahanapin ko na lang. Nag palinis ako sa housekeeping nung isang araw.” Pagdadahilan ko pero kagabi habang natutulog na siya ay tinago ko na iyon. “Baka na miss place lang. Mag-flat shoes ka na lang. Bagay pa rin naman sa attire mo ‘yang isang yan.” Turo ko sa isa pa nitong sapatos. Nagmamaktol naman