Ronan Parker a.k.a Daichi/Womanizer Mula bahay hanggang papasok sa opisina ay hindi ko ito inimik. Galit? Oo, galit ako. Nangako ako sa aking sarili na pag bumalik siya ay hindi ko na paalisin. Pamilya kami. Nagsisimula na kaming buuin iyon, pero naka focus pa rin siya sa trabaho at hindi sa akin o sa amin. Iniintindi ko siya, pero iniintindi din ba niya ako?! “Anong klase ng trabaho ba ‘to? Pa revise mo nga yan sa chief.” Bato ko ng file kay Raul. “Paano naging presentation ito? Sa tingin mo ba magugustuhan ng client ‘yan?” Pinunit ko iyon sa harap ni Raul.. Hawak ang ilang papel ay tinapon ko iyon sa lapag. “Ang tagal na ng mga trabaho nila, hanggang ngayon simpleng report hindi maipasa. Get ou! Sabihin mo sa kanila lahat i-revise ‘yan. Kung kailangan mag O.T, gawin nila.” Sigaw ko.