3. Plans

1556 Words
Chapter Three Gumala ang tingin ng ginang sa nagsilbing tahanan ko sa loob ng ilang taon. Pandidiri ang nakikita ko. Wala man lang bahid ng awa sa sitwasyon ko. "Kaya kong baguhin ang buhay mo, Kayne. Sumama ka sa akin at titiyakin kong karangyaan na ang kagigisnan mo bukas---" "Ay! Taray. Akala mo gusto ko ng karangyaan? Lumayas ka nga rito. Baka mabigwasan na kita." Tinaboy ko ito pero hindi man lang natinag. Umiling ang babae. "Kayne, sumama ka sa akin at babaguhin ko ang buhay mo." "Dagul, palayasin mo nga itong babaeng ito. Nag-iinit na ang ulo ko at baka masapak ko na," inis na ani ko. Pero pinigilan ito ng bodyguard ni mama. "Kayne, may offer ako sa 'yo. Pakinggan mo ang offer ko at baka ito na ang magpabago ng buhay mo." "Ayaw kong marinig ang offer mo. Iyo na. Sarilinin mo. Umalis ka na." Taboy ko pero hindi talaga ito natinag. Nang senyasan nito ang mga bodyguard nito ay hinila palabas si Dagul at Mak. "Ano bang kailangan n'yo?" sigaw ko na. "Sumama ka sa akin. Ipakikilala kita sa business partner at kaibigan ng husband ko. Ipakakasal kita sa kanya." "Ay, putangina! Iba ka rin talaga eh 'no?" dinampot ko iyong palangana na may maruming tubig at hindi ako nag-alinlangan na isaboy iyon dito. "What the f**k?" tili ng ginang. Nanlisik ang mata nito na lumapit sa akin at malakas akong sinampal. Pero dahil gaga ako ay gumanti ako. Sinampal ko rin ang ginang. "Umalis ka! Alis! Ang kapal ng mukha mong humarap sa akin. Ang kapal mo. Sobra. Iniwan mo ako kay Auntie na punong-puno ka ng pangako na babalikan ako. Pero nakalimutan mo ang mga putanginang pangako mo. Nakalimutan mo ako. Tapos ngayon haharap ka ng gano'n na lang? Ipakakasal ako sa kaibigan ng asawa mo? Ulol! Ikaw ang magpakasal... kahit sa 'yo na ang mga putanginang lalaki na iyan." Nang akmang sasabuyan ko ulit ito ng tubig sa timba ay dali-dali na itong umalis. Pero habang lumalakad siya ay may sinabi pa siya. "Babalikan kita, Kayne. Babalikan kita at gagawin mo ang gusto ko." Hiyaw nito hanggang sa hindi ko na siya makita. Nanginginig ako sa labis na galit. Nang pumasok sina Dagul at Mak ay takang-taka sila. "Anong sinabi niya, Kayne? Kalma. Kumalma ka dahil sobrang nanginginig ka," hinawakan ako nila Mak. Kumuha rin ng tubig si Dagul at pinainom ako. Pagkatapos kong uminom ay sumalampak ako sa higaan ko. "Tangina n'ya! Walang kwentang nanay. Ang lakas pa ng loob na puntahan ako rito at sabihin iyon," nagpupuyos ang damdamin ko sa labis na galit. "Ano ngang sinabi? Hindi namin narinig kanina." Tsismosong ani ni Dagul. "Sumama raw ako sa kanya at ipakakasal daw niya ako roon sa kaibigan ni Mayor. Gago ba siya? Anong tingin n'ya sa akin? Tanga? Bwisit siya!" gigil na gigil na bulalas ko. "Eh kung mayaman at madaling mamatay ayaw mo bang i-grab ang chance?" sinamaan ko ng tingin si Mak. Hindi nag-iisip ang gunggong na ito. Ano iyon magpapauto na lang ako sa nanay ko pagkatapos akong iwan? Walang mahihita ang tanginang iyon. Over my dead body. "Babalik pa ba iyon?" tanong nito sa akin. Tumango naman ako. "Babalik daw. Pero kahit araw-araw pa siyang bumalik ay wala siyang mapapala sa akin. Hindi ako magpapakasal. Sakaling ko pa sila eh." Lumapit si Dagul at hinawakan ang kamay ko. Napatingin ako roon dahil may inilagay siya roon. Gold bracelet iyon. "Ibenta mo tapos mag-lie low ka muna rito." "Kanino galing?" tanong ko agad dito. Ngumisi ito. "Sa nanay mo, Kayne. Dinekwat ko kanina." Iba talaga ang kamay ni Dagul. Mabilis. Maaasahan. Pinagmasdan ko ang bracelet at napangisi ako. Olats man kami roon sa ninakawan namin kanina, solid naman itong gold na nakuha nito. "Tara! Ibenta natin," ngising-ngisi na ani ko. Pare-pareho kaming lumabas sa ilalim ng tulay. Dadalhin lang namin sa tropa. Mababa ang kuha nito sa mga gano'n na nakaw pero hindi naman kami lugi. Lalo't nakaw lang naman iyon. Pagdating namin sa bayan ay agad naming hinanap ang matandang lalaki na buyer ng mga alahas. "Naku! Nandito si Kayne. Mukhang may magandang dala," ngising-ngisi na ani ng matanda. "Bigyan mo ako ng offer dito. Kung hindi ko magustuhan ay sa legit na bentahan ako pupunta," inilapag ko sa harap nito ang bracelet. Napatitig ang matanda roon at agad na napangisi. "Mukhang bigatin ang nakuhanan n'yo," bigatin talaga. Asawa ba naman ni mayor eh. Agad nitong in-check ang alahas. Hindi pa man ito tapos ay panay na ang salita ko. "Ayusin mo ang offer kung gusto mong dalhan pa kita ng mga ganyang produkto." "10k," unang offer nito kaya mabilis kong binawi at aalis na sana ng walang salita pero agad na humabol ang matanda sa amin. "20k?" umiling ako. Sa mahal ng bentahan ng gold ngayon ay alam kong higit pa roon ang halaga ng hawak kong bracelet. "Sa iba na lang kami---" "50k sagad na, Kayne. Wala na talaga akong maidadagdag pa." Napangisi ako. Solid. Agad itong naglabas ng 50k. Binilang iyon sa harap namin bago ko ibinigay rito ang bracelet. Mukhang masayang-masaya ang lalaki. Halatang malaki rin ang kita nito dahil hindi natakot naglabas ng 50k. Dala namin nila Dagul ang pera nang umalis kami. Pare-pareho kaming napangisi. "Gusto n'yo bang kumain?" tanong ko sa kanila. "May sikat na kainan ngayon. Punta tayo roon." Agad na sagot ni Dagul. "Maka-experience man lang ng masarap na pagkain." "Tara!" ani ko. Sumakay agad kami ng tricycle at tinungo ang kainan na iyon. Mahabang kalye iyon na may iba't ibang klase ng pagkain. Sobrang dami ng tao kaya naman alerto kami. Ang dami kaya naming pera. Baka madukutan kami. Takot pa man ding madukutan ang mga mandurukot. Nang lumapit kami sa isang stall ay may pagdududa pa yata ang tindera kaya naglabas ako ng isang libo at itinuro ang mga nais kainin ng mga kasama ko. Times 3 ng lahat ng mga itinuro ko kaya agad tumalima ang tindera. Pagkakuha namin ng order ay naghanap na kami ng pwesto. Nakaharap sa dagat ang kalyeng iyon kaya maganda ang view at pwesto. "Kayne, hindi mo nakwento sa amin na hindi ka pala ulila---" "Hindi ulila? Patay na ang magulang ko, Dagul. Ang ama ko ay hindi ko nakilala... matic patay na iyon sa listahan ko. Tapos iyong kingina kong nanay ay iniwan ako sa kaibigan niya. Napagod si auntie na buhayin at pakainin ako kaya pinalayas niya ako. 8 years old lang ako no'n. Nasa kalsada na ako no'n. Sabi ni mama ay mag-a-abroad siya para sa future namin. Pero unang buwan pa lang sa abroad ay naglaho na siyang parang bula. Eh 'di patay na rin iyon. Kaya ulila na ako." Napakamot sa ulo ang dalawang lalaki. Parehong napailing ang mga ito. "Psst!" may sumitsit sa amin. Agad akong napalingon at nakita ko si Lila. Kaibigan ko ito at nakasama rin sa kalsada. Agad binigyan ng pwesto ni Mak. "Kain," Alok ko rito. Kung kami'y nasa ilalim pa rin ng tulay. Itong si Lila ay nagawan niya ng paraan na ialis ang mga kapatid niya roon. "Salamat," hindi naman nag-alinlangan ang babae na kumuha ng pagkain at nagsimula siyang kumain. "Wala kang pasok?" usisa ko rito. "Wala. Absent muna. Napagod ang pekpek ko kagabi," ang dalawang lalaking kasama ko ay nasamid. Kaya pareho naming binigyan ni Lila ng tubig. "Tangina nito ni Lila. Nambibigla. Ayusin mo naman." Natawa lang ang babae at muling kumain. Napabuntonghininga ako. Sa hirap ng buhay at sa kagustuhan nitong mabigyan ng magandang buhay ang mga kapatid niya ay pumasok siya sa club. Ibinebenta niya ang sarili para sa pangarap niyang buhay sa mga kapatid niya. Sa mundong ito ay patibayan na lang talaga ng loob. Kung hihina-hina ka ay gutom talaga ang aabutin mo. "Mukhang yayamanin kayo ngayon." "Nakadiskarte kami. Kung gusto mo pa'y bili pa tayo." Agad naman itong umiling. "Kayo na lang ang ililibre ko. Malaki-laki ang kita kinita ko kagabi. Malaking ratbu ba naman ang dumale," ani ng babae. Tumayo ito. Si Dagul ay agad na sumunod dito. Pagbalik nila ay may mga pagkain pang idinagdag sa mesa namin. Pabilisan kaming kumain. Ang ganitong sandali ay bihira lang talaga sa amin kahit kay Lila. Kayod kalabaw rin ang kaibigan naming ito. Pero kahit gaano ito kumayod ay hirap pa rin talaga sa buhay. Nang natapos kami ay nagpasya na kaming lumakad pauwi. Lalakad na lang kami dahil mukhang kailangan ni Lila ng oras para mag-isip. Tahimik na kasi ito. "Napaano ka?" tanong ko rito. Nang tignan ako ng babae ay ngumisi siya. Ilang beses ko na bang nakitang umiyak ang isang ito dahil sa hirap ng buhay? Sa aming dalawa ay mas matibay ito. Kung kinaya niyang ibenta ang sarili niya para mabuhay... ako hindi. Ibang-iba ang diskarte naming dalawa. "Ayos ka lang ba, Lila?" pilit naman itong tumango habang may pilit ding ngiti. "May problema lang sa bahay," tugon nito sa akin. Putsa! Naisip ko agad ang kapatid nitong si Lorei. "Anong problema? Bibigwasan ko na ba iyang kinginang Lorei na iyan?" natawa ito pero umiling. "Maayos din namin ito, Kayne. Sinusubok lang masyado ang relationship naming magkakapatid. Pero kakayanin namin ito." Hays! Sobrang bait naman kasi nitong si Lila. Lahat ay handa niyang gawin para sa mga kapatid niya. Ako? Kung may kapatid ako na mga kingina... bahala sila sa buhay nila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD