Chapter Three

1047 Words
Nakahinga ako nang maluwag nang maisip na walang nangyari sa ospital. Mahigpit akong napapikit kasabay nang paghagod sa aking dibdib. "J-Jafar, I-I'm sorry. Something happened, a-and I can't talk to you right now." "Where are you? Did something happen to Dasius? Tell me where you are." Nahimigan ko ng pag-aalala ang boses niya. Tinakpan ko ng sariling kamay ang aking bibig upang hindi niya marinig ang pag-iyak ko at hindi na siya tuluyang mag-alala. Nang matanaw ang bangko mula sa loob ng taxi, hindi ko na nagawang magpaalam pa kay Jafar at agad nang ibinaba ang tawag. Nang tuluyang makarating sa harap ng Portugal bank, umibis ako ng taxi at nagmamadaling pumasok sa loob. Pinigilan pa ako ng isang security dahil mahaba ang linya ng mga tao sa labas at kailangan kong pumila para makapasok. "Kilala ko si Dal Portugal. Please, tell him na nandito ako. Tell him it's emergency!" Nagkatinginan ang dalawang security na nagbabantay sa labas. Halatang ayaw maniwala ng isa pero ang lalaking nagbibigay ng numero sa mga tao ay tumango sa isang guwardiya. Makaraan ng ilang sandali ay napipilitang sumunod ang pangalawang security. "Wait! Sabihin mo sa kaniya ang pangalan ko. Tell him I'm Theo Oliveros." Tuluyan nang pumasok ang security guard sa loob. Naghintay lamang ako nang ilang minuto bago tuluyang pinapasok ng guard. Iginiya ako nito papunta sa opisina ng boss nila. Nang huminto kami sa isang magarang pinto, sandali pang kumatok ang security bago iyon binuksan at pinapasok ako. Nanginig ako nang makaramdam ako ng ihip ng hangin sa likod ko. Kakaibang kaba ang gumapang sa pagkatao ko nang tuluyan akong makapasok sa loob ng opisina niya. Nalanghap ko ang magkahalong amoy ng lavender at aircon. Nanunuot iyon sa ilong ko. Maging ang lamig ng silid ay ramdam ko sa magkabilang braso ko. Nakasuot ako ng sleeveless floral dress kaya nalalantad ang braso ko sa lamig. Nakita ko siyang nakaupo sa silya niya at nakatalikod mula sa pinto. Lumapit ako sa mesa niya at nakita ang desk name plate sa ibabaw. Dallas Portugal. CEO. Mula sa name plate ay umangot ang paningin ko nang tuluyan siyang humarap sa akin at tumayo. Nakita ko ang seryoso niyang mga mata, pero nang mapansin ang naluluha kong mukha, mabilis na nabahiran ng pag-aalala ang buong mukha niya. Agad siyang naglakad patungo sa tabi ko at mas lalo akong tinitigan nang mabuti. Hinawakan pa niya ako sa kanan kong pisngi. Ramdam ko ang may kalakihan at malambot niyang palad. "What happened to you? Bakit umiyak ka?" Ilang segundo akong natulala sa dalawang pares ng kulay brown niyang mga mata. Tila kumikislap ang mga iyon habang nakatitig sa akin. Lalong bumuhos ang mga luha ko nang maalala ko si Dasius sa mga mata nito. Kinuha ko ang kamay niya sa pisngi ko at mahigpit iyong hinawakan. "Please, Dal, sumama ka sa akin." Nagbaba ako ng tingin at mariing kinagat ang ibaba kong labi. Mariin akong humawak sa laylayan ng suot kong dress habang pinipigilan ang aking sarili na tuluyang humikbi sa kaniyang harap. Naramdaman ko ang pagbawi niya sa kamay niya. Nag-angat ako ng mukha para salubungin ang mga mata niya. "Bakit ko gagawin iyon?" Wala na ang pag-aalala sa mga mata niya. Ngayon ay seryoso na itong nakatitig sa akin. Lumunok ako at huminga nang malalim. Pikit-mata akong lumuhod sa paa niya at hinayaan na lalong bumuhos ang mga luha ko. "Theo!" Hinawakan niya ako sa magkabilang braso at akmang itataas pero mariin akong tumanggi. "Please, Dal, sumama ka sa akin. Kailangan ko ng dugo mo!" Tumingala ako at sinalubong ang nagtataka niyang mga mata. Hindi maintindihang umiling siya sa akin. "Ano bang pinagsasabi mo? Theo, stand up!" "Nasagasaan ng kotse ang anak ko! Kailangan niya ng dugo mo! Please! Please! Sumama ka sa akin!" Pinaglapat ko ang dalawa kong palad at halos magmakaawa sa kaniya. Matapos ng lahat ng ginawa at sinabi ko, alam kong wala akong karapatang humarap sa kaniya at hilingin ito, pero kung may parurusahan siya sa mga ginawa ko, ako lang iyon. Hindi puwedeng madamay ang anak ko. "Bakit sa akin ka pumunta?" Nagbuga ito ng hangin bago bumaling sa ibang direksiyon. "At bakit dugo ko ang kailangan niya?" Muli akong humikbi kasabay ng pag-alog ng mga balikat ko. Muli akong nag-angat ng mukha at naluluha siyang pinagmasdan. Seryoso ang mukha niya subalit makikita roon ang kagustuhang malaman ang sagot sa mga tanong niya. Mariin akong lumunok bago piniling ipikit ang mga mata. "Dahil anak mo siya... Dal, anak mo si Dasius. Tulungan mo ang anak mo." Nang muli akong magmulat, nakita ko kung paano nagpalit ang facial expression nito. Mula sa matigas na mukha ay sumilay ang matinding pagtataka sa mukha niya. Tila hindi makapaniwalang tumitig siya sa akin nang mariin. "Hindi iyan ang sinabi mo sa akin. Ilang ulit kitang tinanong, Theo." Mariin akong lumunok at muling pinaglapat ang mga palad ko sa harap niya. "I lied, okay? Nagbunga ang nangyari sa atin noon! Dal, please naman!" Sa pagkakataong iyon ay napalitan ng inis ang pagtatakang makikita sa mukha niya. Ngayon ay kitang-kita ang ilang gitla sa noo niya habang nakatitig sa akin na para bang isang malaking kasalanan ang nagawa ko. "Bakit, Theo? Bakit hindi mo ipinaalam sa akin? Bakit bigla ka na lang umalis!" Mariin kong kinagat ang ibabang labi ko. Nagbalik sa akin ang mga bagay na narinig ko limang taon na ang nakalilipas. Mahabang panahon na rin pero ngayong naiisip ko uli iyon, tila kahapon lang ang sakit na nararamdaman ko. "Puwede bang mamaya mo na ako tanungin? Nag-aagaw buhay si Dasius! Kailangan ka niya ngayon!" Sa sinabi kong iyon ay agad siyang natigilan. Panandaliang nablangko ang mukha niya bago sumilay ang matinding pag-aalala roon. Mabilis ang mga kilos na may dinampot ito sa ibabaw ng desk niya at nagmamadaling tumungo sa pinto. "Let's go." Idinantay ko ang mga palad ko sa sahig para matulungan ang sarili ko na makatayo. Tila lumilipad ang sarili kong utak nang magsimula akong humakbang at sumunod sa likuran niya. Habang tinatanaw ang likod nito, hindi ko napigilan ang muling pag-alpas ng mga luha ko, kasabay nang pagbabalik ng mga alaala mula sa nakaraan. Mga alaalang hindi kayang kalimutan ng aking puso.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD