"You should have told us that you were coming home, Mena!" Singhot ni Mama habang hindi matigil ang paglalagay ng ilang ulam sa plato ko. "Tingnan mo! Look, are you really eating out there? Bakit tila ang payat-payat mo na!" "At tsaka anak, nasundo ka man lamang sana namin!" Nanunubig parin ang mga mata ni Papa. "Ma, Pa, I am already a grown up -" "Kahit na!" Magkapanabay na usal nilang dalawa. Napasapo ako sa may noo. "Don't worry, hinatid naman po ako ni Admiral Gustav bago siya tumulak ng Batanes." Pagpapakalma ko sa kanilang dalawa. "Admiral Gustav?" Nakita ko ang mabilis na pagbabago ng mukha ni Papa. "Pinopormahan ka ba ng lalakeng iyon anak?!" Mabilis na nanlaki ang mga mata ko. "What?" Napaubo ako. "Pa naman, hindi po! Kilabutan nga kayo, Admiral Gustav is already o