Ep 2 : Morning

1669 Words
Reece pov: I'm not usually like this. Madalas tahimik lang ako at nagbabasa ng mga libro ko. Yep! I’m a book worm and my life is so plain and boring for others, but I like it that way. I also go out sometimes with some friends, but I'm just staying in my room most of the time. If I’m not reading a book, I’m probably doing a movie marathon next to a cold can of beer. My room is my comfort zone. I don't even go to school, so my old man hired some of the best professors in the country to be my private tutors. My father and I didn't talk too much. Masyado syang abala sa kanyang negosyo kaya bukod sa lolo at lola kong yumao na, tanging mga katulong lang namin sa bahay ang nakasama ko sa paglaki. Sanggol pa lamang daw ako nang mamatay ang aking ina mula sa isang aksidente ngunit kahit isang larawan nya ay wala akong nakita. Minsan tuloy naiisip ko na baka inampon lang talaga ako ng matandang iyon at sinabing siya ang aking ama. We don't have a typical father and son relationship, nor do we have any resemblance so that's how I think. It seems like… he’s a total stranger to me. Kahit ano pa man, sanay na ako sa sitwasyon namin hanggang sa nagulat ako nang malaman kong ikakasal na sya sa kanyang sekretarya. Oh, great! F*ck! Sa totoo lang, ayos lang naman sana iyon sa akin. Wala naman sana akong pakealam dahil sanay na akong hindi kasama sa mga desisyon at plano nya sa buhay, pero ang labis kong ikinairita ay nang ipatapon nya ako sa bahay ng babae nya! Bakit ko kailangang tumira sa bahay na iyon? Tsk! I think they expected Tanya’s daughter and me to be close to each other so we wouldn’t be a hindrance to their marriage. Why would I do that? For us to become one big happy family? Nah! Never! No matter how much I didn’t want to consent, I could do nothing. That old man threatened me! I had no choice but to follow his orders. Kainis. Sinunod ko ang gusto nila, but I swear for f*ck sake, I’LL MAKE HER DAUGHTER’S LIFE MISERABLE! Kung iniisip nilang magiging babysitter ako ng isang bata, do’n sila nagkakamali! Hinatid ako ng mga tauhan ng aking ama sa bahay nila Tanya. Pagbaba ko ng sasakyan ay agad kong sinuri ang itsura ng bahay. Simple lang ito at hindi ganoon kalaki hindi katulad sa bahay namin ngunit mukhang maayos naman at malinis ang bakuran. Dapat ko bang isipin na isa syang gold digger? Huh! I'll find out soon. I rang the doorbell but no one came out, so I rang it again a few minutes later. Wala bang kasamang tagabantay ang batang iyon? O baka naman walang tao dito? Napansin ko ang paggalaw ng kurtina sa bintana kaya naghintay na lamang akong may magbukas ng gate. Habang naghihintay ay muli kong iginala ang aking mga mata sa paligid. It is only a small subdivision but it seems quiet and safe in this area. The people who live here seem to have their own privacy. That's good then. … "Y-yes?" said a sweet feminine voice. I slowly faced the woman who spoke. I was a little surprised for a moment to see a beautiful woman standing there at the gate. She was just wearing her pajamas but I could still trace the curve of her body. Uhm, yeah! I think she's sexy. Her hair is tied to a messy bun. She has an angelic face even without make-up which is not usual to me. Halos lahat ng babaeng nakilala ko ay naglalagay no’n para lamang magmukhang maganda, pero sya? Mukhang hindi nya iyon kailangan. Is this Tanya’s maid? No, impossible. I cleared my throat before asking, "Is this Tanya Spence’s house?" Her beautiful face distracts me so I tried to look away but I still couldn't help but look back at her. Nagtama tuloy ang mga tingin namin! Uhm! "She's my mom! Who are you?" she replied. Nagulat ako sa sagot nya dahil hindi ko iyon inaasahan; ang buong akala ko talaga ay bata pa ang anak ni Tanya. T-They didn't tell me she was my age! Now what? Hmn? Sa loob ko ay natawa ako sa aking sarili. Bakit nga ba hindi ko ito naisip? I think this is going to be more fun now. She narrowed her eyes on me, “Hmn?” I grinned nastily before answering her question. "I'm your dearest stepbrother, Reece Devaughnn!" **** Avaree's pov: Sunday! Great! Bakit tinanghali ako ng gising? Medyo masakit ang ulo ko at hindi ko na matandaan kung bakit hindi ako nakatulog ng maayos kagabi. I quickly rushed into the bathroom. The summer is over but still, I can feel the heat. I'm only wearing my plus-size shirt over my underwears. Nasanay na kasi ko lalo na kapag ganito kainit dahil ako lang naman palagi ang narito sa bahay. Antok na antok pa rin talaga ako kaya naman habang umiihi ay nakapikit pa ang aking mga mata. Tinapik-tapik ko na ang aking pisngi ngunit tila wala pa ring epekto. Ugh! Kailangan kong magising! Pagtayo ko kasabay ng pag-angat ng aking panti ay agad akong kumanta ng malakas. “Shout out to my ex, you're really quite the man! You made my heartbreak and that made me who I am,” Humarap ako sa salamin at kinuha ang sipilyo ko. Habang nagsisipilyo ay patuloy pa rin ako sa pagkanta at sinabayan ko na ito ng pagsayaw ng bigay todo. Natapos na akong magsipilyo ay patuloy pa rin ako sa pagkanta at pagsayaw hanggang sa paglabas ko ng banyo. “Here's to my ex, hey, look at me now! Well, I, I'm all the way up I swear you'll never bring me d—” "Who's that f*cking ex?" someone suddenly asked in irritation. I froze where I was standing when I saw the guy… from yesterday! OH, FUDGE! I… I forgot about him! Nakahiga sya sa sopa at nakatutok ang mga mata sa kanyang binabasang libro. Para namang hindi gumana ang utak ko at nanatili lang akong nakatulala sa kanya. "Ganito ka ba lagi? It’s already 9 in the morning tapos kagi—” Hindi nya naituloy ang kanyang sinasabi nang bigla syang mapatingin sa akin. Tila nanlaki ang kanyang mga mata at napahinto din sya ng sandali. T-Teka! B-Bakit gan’yan sya makatingin sa akin!? Then a grin gradually replaced his shocked expression, "Are you trying to seduce me? I can see your panties!" Sh*t! Napalunok na lang ako kasabay ng mariing pagpikit ko ng aking mga mata dahil sa kahihiyan. Bwisit! "Don't worry, you're not attractive.” Inalis nya ang tingin sa akin at malamyang ibinalik ang mga mata sa kanyang libro. “Para ka lang tinapay na walang palaman pero… pwede pa rin namang kainin." Napadilat ako agad at nakita ang mapang-asar nyang pagngisi. H-He’s a pervert! Kaagad kong niyakap ang katawan ko upang takpan ito. “BASTOS!” hiyaw ko at agad na kumaripas ng takbo pabalik ng kwarto ko upang magpalit ng aking damit. "Hey! Avaree! Bilisan mo, nagugutom na ko!" sigaw nya nang makapanhik na ako sa itaas. “Kalimutan na lang natin na nakita ko ang pulang panti mo! Nice!” Rinig na rinig ko pa rin ang malakas nyang pagtawa kahit na naisara ko na ang pinto ng kwarto ko. Binubwisit nya talaga ako! Ugh! Kaagad akong nagpalit ng aking damit at isinuot ang aking yoga pants kahit na sobrang init. Looks like I have no choice but to cover my body with long clothes as long as that moron is here! I sighed. What the hell!? Bumaba akong muli na nakasimangot. Naroon pa rin sya sa sopa at mukhang nadismaya sya nang makita ako. “Go back to your room,” he commanded. Tinaasan ko sya ng isang kilay habang naglalakad ako papuntang counter table. “Ano na naman?” “Mas gusto ko ‘yong suot mo kanina,” aniya at tumawa na naman ng nakakainis. “Ah, gano’n? Magluto ka mag-isa mo! Akala mo aasikasuhin kita? Bahala ka sa buhay mo!” pikon kong tugon sa kanya. “Fine, I’ll stop teasing you,” he said as he wore that poker face again, “I’m… really hungry. I also didn’t sleep well here on the couch.” “D’yan ka natulog?” medyo gulat kong tanong. “B-Bakit?” “Do you expect me to sleep in a dusty guest room?” he asked as if irritated. Eh? Oo nga pala! Hindi ko naman kasi alam na may ‘bwisitang’ dadating kaya hindi ko ‘yon nilinis. Well, that’s his punishment for messing up with me. Hmn? Somehow, naawa din ako sa kanya. Sige na nga, lilinisin ko na lang ‘yon mamaya. “Okay, I’ll cook and clean up your room later,” I said then grinned mischievously, “if and only if you write the word 'Please' with your ass!” Nakatitig lang sya sa akin ngunit wala pa ring ekspresyon sa kanyang mukha. I'm just kidding but if he does, I'll definitely laugh at him! I think he was analyzing what I said. So, who needs who between the two of us? Huh! "Okay!" he answered then he stood up. Gagawin na ba niya? "A-Anong okay?” tanong ko habang pinipigil ang aking pagngisi. Tumalikod sya at naglakad papunta sa may telepono. Inangat nya ang telepono at akmang pipindutin ang mga numero. “Nope! I’ll just call McDonalds to order my food! I'll use your allowance!" F-FUDGE! I quickly ran to stop him. Hinawakan ko ang kamay nya at napahinto siya. "N-No! I'll— I’ll cook na!" I said with my brightest smile. "What do you want to eat?" Sinulyapan nya ang kamay kong nakahawak sa kanya, at nang mapansin ko rin ito ay agad akong napabitaw sa kanya. “S-Sorry! A-Ano nga ang gusto mong kainin?” muli kong tanong habang may pilit na ngiti sa aking mukha. “You,” he answered which made my eyes almost pop out. “A-Anong ako!? M-Manyak ka talaga!” hiyaw ko sa kanya na ikinasingkit ng kanyang mga mata. “I answered ‘you’, I mean… ikaw na ang bahala!” yamot nyang paliwanag. Eh!? ‘Yon ba? Ramdam kong namula ang mukha ko sa kahihiyan. Kunot-noo akong ngumiti ulit sa kanya at humingi ng dispensa. “S-Sorry!” "Assuming! Pero kung gusto mo, pwede din," ani nya at ngumisi. Inaasar na naman nya ako. Nagbuntong-hininga na lang ako sa pagkakataong ito at hindi na sumagot pa. Kailangan ko na atang sanayin ang sarili ko sa pagkasira-ulo niya. Pumunta na lang ako sa kusina upang maghanda na ng lulutuin ngunit pagbukas ko ng refrigerator ay nakita kong wala na nga pala itong laman bukod sa itlog at mga pitsel ng tubig. “Reece!” sigaw ko. “Pwede ba tayong mag-grocery ngayon? Wala na kasing laman ang ref! Okay lang ba sa iyo ang itlog muna?” “Kahit ano! Bilisan mo, gutom na ako!” tugon niya. Parang puputok naman ang ugat ko sa sentido. Napaka-bossy ng hayop na ‘to! Ipakain ko sa kanya ng hilaw ‘yong itlog eh! Hmp!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD