"Uy, Jazzie!" I flinched on my place when someone tapped my shoulder. "Oh, Ken, b-bakit?" tanong ko nang natuon ang atensyon ko sa kanya. Kunot-noo niya akong pinagmasdan. "May problema ba, Jazzie? Kanina ko pang napapansin na para bang malalim ang iniisip mo," puna niya. Palihim kong nakagat ang ibaba kong labi at ipinagpatuloy ang pagpupunas sa bintana. "W-wala, ano... naisip ko lang si Erom," pagpapalusot ko. Kababalik ko lang sa hotel pero ito ako, lutang at hindi makagawa nang maayos sa 'king trabaho. Pangatlong suite na ang nililinisan ko ngayon at ang dalawa kong silid na nalinisan kanina ay parehong palpak. Nakalimutan kong palitan ng bedsheet ang naunang suite habang nawala naman sa isip ko na linisin ang cr ng pangalawang kwarto. Kaya naman ngayon sa ikatlong suite na nakatok