"V-Val..." nanghihina at garalgal na tawag ko kay Valjerome nang pumasok ako sa mansyon. Agad niya naman akong sinalubong at niyakap. "It's okay, everything will be okay," pang-aalo niya habang hinahaplos nang marahan ang buhok ko. I shook my head. "Kasalanan ko... kasalanan ko," paulit-ulit kong sambit at sumubsob sa dibdib niya dulot nang panghihina. Tuluyan nang lumandas ang mga luha ko. Hindi ko mawari kung paano iyon nagawa ni Chaos sa akin, sa amin ng anak ko—sa batang itinuring siyang tunay na ama. "D-Dapat ay hindi ko iniwan si Erom tulad nang nakasanayan ko," bulong na anas ko sa pagitan ng aking mga hikbi. "Ssshh. Don't blame yourself, Jazzie," usal ni Valjerome. Muli akong umiling at saka mabagal kumalas mula sa yakap niya. Gamit ang nag-uulap kong paningin ay tinitigan ko