KANINA pa gustong mag-walk out ni Allison sa kinaroroonan niyang kwarto kasama ang mga magulang at magulang ng sister-in-law niya. Sa harapan nila ang judge na may hawak sa custody case ni Micah. Ito ang magdedesisyon kung kanino ibibigay ang kustodiya ng bata na buong linggo na yata niya iniisip. Hindi niya kayang mawala sa kanya si Micah kaya naman lahat ng ipayo ni Primo - pinsan ni Jio ay ginagawa niya. She have to proved that they can provide Micah's necessities and take care of the kid well. Kasama niya din doon sa kwarto na 'yon si Jio na nakahawak lamang sa kamay niya. Maging ito'y ayaw mapunta sa ibang pamilya si Micah. Sinabi na nito noon na kaya nitong buhayin ang bata ngunit ginigiit ng kabilang kampo na hindi ito related sa kanila. Isa sa mga payo ni Primo noon ay at pagp