IT WAS typical saturday morning for Jio. No weekend work yet since he just got hired at Ortega Construction Group. Matama niyang pinagmasdan bawat lumalabas at pumapasok sa café na kinaroroonan niya. He was there to meet her cousin - Keira Dominguez, the owner of Sanctuary Café and Art Gallery. May gusto kasi itong ipabago sa dalawang branch ng naturang negosyo. Agad naman niya tinanggap dahil wala pa namang malalaking proyekto ang naka-assign sa kanya. Nung tumunog ang door chimes ay agad siya nag-angat ng tingin. Doon pumasok ang isang babae na mala-anghel ang mukha, mahaba at kulot sa dulo ang buhok. Bumagay dito ang simple nitong make up na nagpalutang sa natural na ganda. May kasama itong batang babae na nasa edad lima hanggang anim sa kanyang tantya. Matambok ang magkabilang pisngi