Chapter Twenty: Claudius Point of View: "Ano na naman ba `to, Claudius?!" sigaw ni mammy Ara sa akin. Hindi ako nagsalita. Ayaw kong sumagot dahil wala akong gana na makipagtalo tungkol sa mga issue'ng kinakaharap ko ngayon. "Girlfriend mo ba talaga `yon, ha? Claudius! Magsalita ka!" Hinawakan niya ang balikat ko at niyugyog ako pero hindi pa rin ako nagsalita. Wala akong ganang makipag-usap kahit na sa kanya. "So totoong girlfriend mo `yon? Halata namang malandi ang itsura `nong---" Hindi na ako nakapagpigil pa, pinigilan ko na siya sa susunod pa niyang sasabihin. "Huwag mo siyang pagsalitaan nang ganyan!" Hinawi ko si mammy Ara at naiinis na nag angat ng tingin sa kanya. "At ipinagtatanggol mo pa talaga, ha? Well, wala namang kasiraan sa 'yo ang issue na `yon. Siya naman ang m

