Chapter 28

1298 Words

Chapter Twenty Eight: Panay ang lingon ko kay Claudius. Hindi ako mapakali sa itsura niya habang nagmamaneho. Paano ba naman kasi, nakabusangot at kunot na kunot ang noo. Hindi ko naman matanong sa kanya kung anong problema dahil may hint na ako kung anong dinadrama niya. "Magkita ulit tayo bukas," sabi niya sa gitna ng katahimikan. "Paano kung ayoko?" Naiinis na tanong ko sa kanya. Nagtiim bagang siya at saka inihinto na ang sasakyan malayo sa gate ng mansion namin. "Bakit? May usapan ba kayo ni Jerard?" May panunuya sa tanong niyang iyon. Umirap ako. Ako dapat ang galit dahil may komunikasyon pa pala sila ni Pia tapos ngayon, siya na ang galit? Bwiset! "Ewan ko sa 'yo, uuwi na ako at baka hinahanap na ako ni Damien!" Binuksan ko kaagad ang pinto ng kotse at dali daling lumabas.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD