Chapter 30

1483 Words

Chapter Thirty: Ilang beses ko nang pinag isipan `to. Halos hindi ako nakatulog kagabi dahil sa kaiisip kung sasabihin ko na ba kay Claudius o hindi. Natatakot ako, pero tama nga si Eduard. Hindi pwedeng ipagkait ko kay Claudius ang anak namin. Kaya napagdesisyonan ko nang sabihin sa kanya. "Anak, sigurado ka na ba?" Nag aalalang tanong ni mama. Patuloy kong sinuklayan ang hanggang balikat na buhok ni Damien. "Opo ma, mali nga siguro ako na hindi ko sinabi kay Claudius." "Pero anak, baka humingi siya ng custody." Natahimik ako. Naisip ko na rin iyon pero `tsaka ko na muna iyon pag iisipan pang mabuti. Ang mahalaga ay masabi ko kay Claudius. Nahihirapan na rin kasi akong itago. Hindi naman kasi pwedeng itago ko na lang 'to habambuhay. "Tsaka ko na po `yon iisipin ma," mahinang sagot

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD