Pagkaalis nina Migz at Atasha, ay hindi agad ako nakagalaw. Parang naiwan pa rin ang bigat ng presensya nila sa loob ng flower shop. Bumalot ng katahimikan ang loob ng shop. Katahimikan na nakakatakot na tila bulkang nanahimik at biglang sasabog. Pati sina Rica at Melchor ay hindi nagsasalita. Tanging naririnig ko lang ang mahinang tunog ng wind chimes sa pintuan. Dahan-dahan akong napalingon. At doon ko nakita si Gareth. Nakatayo siya sa may gitna. Nakatingin saakin. Na para bang inuusisa na ako ng kanyang mga mata. Mahigpit ang pagkakakuyom ng mga kamao niya na kanina pa gustong itama. Hindi siya nagsasalita pero kitang-kita ko, ang ekpresyon ng mukha niya. Ang pagsalubong ng kilay at ang umiigting na panga. At iyon ang mas nakakatakot. “G-Gareth…” halos pabulong ko iyong nasab
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


