SHILOH POV.
Parang napunit ang puso ko, sa mga salitang binato saakin ni Migz. Nanliit at naawa sa sarili. Nais kong sumigaw dahil napapagod na ako. Gusto ko ng umuwi at magsumbong kay Mama. Ngunit wala akong magawa, kundi ang humagulgol ng tahimik.
Tatlong araw nang wala dito sa bahay si Migz, mula nang umalis si, Atasha, ay hindi na siya nagpakita dito. Mas naisin ko pang hindi muna kami magkita. Dahil muli lang akong masaktan kapag makikita ko siya. Hangang ngayon ramdam ko parin ang mga insultong salita niya.
"Shiloh," nilingon ko si Manang, nang pumasok siya sa kwarto.
"A-ano po yan?" tanong ko, sa isang paper bag na inabot niya saakin.
"Pinapabigay ng kaybigan mo. Si Alex." aniya.
Inabot ko ito at isinantabi.
"Pasensya kana. Mahigpit na bilin ni Sir, Migz, na hindi magpapasok ng ibang tao. Kaya hindi ko na siya pinapasok,"
"Ayos lang ho. " tipid kong sabi.
"Sige, bababa na ako. Kapag nagugutom ka, may pagkain na sa kusina."
Tumango ako, "Sige po salamat."
Pagkalabas ni Manang, ay tiningnan ko ang laman ng Paper bag. Napangiti ako. May hilaw na manga at bagoong. Natuon ang tingin ko sa nakatuping puting papel. Kinuha ko ito. Napangiti ako sa nakasulat.
"Manga ka ba? Kasi napakatamis ng ngiti mo. Pero kapag galit ang Asim. Joke lang. Kainin mo yan ha. Inakyat ko pa yan sa kapitbahay natin. I MISS YOU SHAY. "
Naluha ako, matapos itong basahin. Namimis ko na sila. At ang dati kong buhay. Hangang ngayon kasi isa paring bangungot ang nagyayari sakin ngayon.
Naikwento ko na kay, Alex, ang lahat ng nangyari saakin, noong, bumisita siya dito. Kita ko sa mga mata niya ang pagkadismaya, habang sinasalaysay ko ang lahat.
"Maghihintay parin ako, Shiloh."
Mga salitang sinabi niya.
Sana nga, mahintay niya akong lumaya sa kalagayan ko ngayon. Na para saakin ay habang buhay na akong makukulong sa buhay na ito.
Isanh buwan na ang nakaraan. Nagising ako na umiikot ang paningin ko. Walang ganang kumain. At naisusuka ko lamang kung may pagkaing naisubo ko.
"Gusto mo bang, tawagan ko si Sir, Migz?" nag aalalang tanong ni, Manang.
"Huwag na po, Manang. Mawawala rin ito." tugon ko habang nakahiga at nakapikit.
"Sigurado ka ba? Namumutla ka na,"
Tamad kong dinilat ang mga mata, "Huwag kayong mag-alala, Manang. Natawagan ko na kanina si Doc Lara, normal lang daw ito, pero kung nakita niyo na akong humandusay, dalhin niyo na ako sa Hospital,"
"Hesus! Kang bata ka. Hihintayin pa ba natin na humandusay ka?"
Kita sa kilos at mukha ni Manang anh lubos na pagalala.
"Manang, nagbibiro lang ako,"
"Sige, kapag bukas ganyan parin ang pakiramdam mo, tatawagan ko na si Migz,"
Tumango ako, at para kumalma na si Manang. Ngunit sa Loob ko ay ayokong makita si Migz. Mas lalo lang akong manlalanta o masusuka kapag nakita ko siya.
Bago tuluyang maisara ni Manang ang pinto, ay narinig ko ang pagsambit niya ng pangalan ni Migz. Rinig ko anh boses ni Migz, na nakimipag-usap kay Manang. Naidilat ko ang mga mata. Hindi ako gumalaw sa pagkakahiga at pinapakiramdaman kung papasok siya dito sa kwarto.
Narinig ko ang pag sara ng pinto. Naipikit ko ang mga mata at nagpakawala ng malalim na hininga.
Buti naman at di siya pumasok.
"Sabi ni Manang wala ka raw ganang kumain?"
Muli kong naidilat ang mga mata nang marinig ang boses niya. Akala ko di siya pumasok. Nanatili akong nakahiga at ni hindi siya nilingon. Hindi rin ako sumagot sa tanong niya.
"Kung magmamatigas ka, manghihina ka, talaga. At ano ang susunod Makukunan ka?"
Pagod na bumuntong hininga ako, "Isusuka ko lang kapag pinilit ko."
"Then we went to the hospital now,"
Hindi ako kumibo. Napapagod na ako pero kaylangan kong sumunod para matapos na ito. Dinala ako ni Migz, sa hospital. Nagpa-confind na ako, dahil sa nanghihina kong katawan. Iniisip ko rin ang nasa sinapupunan ko. For weeks na akong buntis. Nalaman ko nang pumunta akong mag-isa sa clinic ni Doc Lara. For sure nasabi na ni Doc. kay Migz.
Nagising ako na nakaswero na. Tahimik ang buong kwarto. Sa paglingon ko, sa kabilang banda ay nakita kong nakahiga sa watcher's bed, si Migz, at malalim na nakatulog. Agad kong inalis ang mga tingin nang gumalaw siya at nagising.
Sa gilid ng mata ko ay, tumayo siya. "Nagugutom kana ba? Wait, lalabas lang ako."
Lumabas siya at sa hindi nagtagal bumalik siya kasama si Manang.
"Naku, tamang tama pala ang dating ko, kundi nakabili kana sa labas," si Manang, na kausap si Migz.
"Oh, Shiloh, kamusta kana?"
"Maayos naman ho."
"O, siya kumain kana, ito mainit pa itong sabaw at may aroscaldo akong niluto,"
Kumain ako pero hindi ko naubos dahil naramdaman ko ang pagbaliktad ng sikmura.
"Manang, gusto kong magbanyo,"
Lumapit si Migz, "Hindi ka pwedeng tumayo. Mag bedrest ka yan ang sabi ni Doc. Lara. "
"Naiihi ako," pilit kong sabi.
"May diaper kana, pwede ka ng umihi," aniya.
Tila maiyak ako sa sinabi ni Migz. Paanong iihi? Ayaw lumabas hangat di ako makakaupo sa kubeta.
"Migz, baka pwedeng buhatin mo nalang siya papuntang Banyo?" suhestyon ni Manang.
Kita ko sa mukha ni Migz na napilitan,"Okay fine."
Pinangko niya ako at napahawak ako sa balikat niya. Walang kapagod pagod nyang binuhat ako.
Dahan-dahan at maingat niya akong ibinabasa mismong bowl. Nakatayo ako nakatingin sakanya. Ngunit nakatingin lang din siya saakin.
"Iihi ako, l-lumabas ka muna,"
Tila natauhan siya, "I'm sorry, " lumabas siya ng banyo at sinara ko ang pinto.
Hirap kong inalis ang Diaper na naka-kabit saakin. Mabuti na nga lang at ang babaeng nurse ang naglagay nito kanina, saakin. Pagkatangal ko sa diaper ay nanlaki ang mga mata ko ng makita ang ang dugo na kasing rami ng normal na regla.
Nanlamig ako at kung ano-ano ang tumakbo sa isip ko. Umihi na muna ako at pagkatapos ay tinawag ko si Migz
"Tapos kana?"
Halos lumuwa ang mga mata ni Migz nang makita ang diaper na hinarap ko sakanya.
"Migz d-dinugo ako," nangi-nginig kong sabi.
"Come, humiga ka muna," inakay niya ako patungo sa bed. "tatawagan ko lang si Lara," apura siyang dumukot sa bulsa niya ng cellphone at kinausap si Doc Lara.
Hindi ko na maipaliwanag ang nararamdamang takot. Pero ganun pa man, kinakalma ko ang sarili.
Hindi pa man umabot ng isang oras ay bumukas ang pinto at halos nag-uunahan si Doc Lara, at Migz. Kasabay ng dalawang Nurse na babae at lalaki.
"Maraming dugo ba ang lumabas? May contraction ba?" tanong ni Doc, habang may iniinject sa swero ko.
Umiling ako. Pinakita ni Migz, ang Diaper na kanina ay suot ko.
"Okay, for now imomonitor muna natin. Nurse, prepare the room, she need to undergoing sonography
"Yes Doc," tugon ng babaeng Nurse.
Tiwala kami kay Doc Lara. Kaya lahat ng test ay muling ginawa. Matapos ang mga test, ay binalik nila ako sa Kwarto. Ako lang at si Manang ang narito. Si Migz ay nasa labas at kasama si Doc Lara.
Pumasok anh isang Nurse na babae at may in-inject sa swero na naka kabit sa saakin.
"Kamusta po ang pakiramdam niyo, Ma'am? " nakangiting tanong ng Nurse, matapos niyang gawin ang pag inject.
"Okay n-naman," nanlalanta kong tugon
At hindi ko na alam ang sumunod dahil nakatulog na ako.
Nagising ako, at tila namimigat pa ang talukap ko. Para bang galing ako sa isang mabigat na trabaho at walang ganang gumalaw.
"Shiloh, kamusta ka?"
"Manang, nauhaw po ako,"
"Teka ikukuha kita,"
Pumipikit pikit pa ang mata ko dahil hindi ko maintindihan ang pakiramdam.
Napainom ako ni Manang ng tubig medyo gumaan ang pakiramdam ko. Nilibot ko ang mga mata sa loob pero kami lang ni Manang ang naririto.
"Si Migz, po?"
"Ah, umuwi. Pero huwag kang mag alala bukas makakauwi kana,"
Kakaiba ang reaksyon ng mukha ni Manang. At uuwi na ako bukas? Baka okay na ang ako,"
"Manang, ayos lang po ba kayo?"
"O-oo naman,"
Sabay naming nilingon ang kakabukas na pinto. Niluwa nito si Doc. Lara.
"Hi, goormorning,"
"Hello, Doc."
"How are you?"
"Maayos na naman ho." Tugon ko at tipid na ngumiti. "Doc, sabi ni Manang, makakalabas na ako bukas? Kumapit ba si Baby?"
"Shiloh, walang baby. Mahina at nawalan ng heart beat. Kahit pipilitin ko, hindi mabubuo. Kagabi ginawa namin ang dilation procedure," derechong sabi ni Doc.
Kaya pala groggy ang pakiramdam ko, ni-raspa pala nila ako. Hindi ako nakasagot. Hindi narin ako nabigla. Ang nararamdaman ko ngayon ay pagod na babalik nanaman sa uno. Hangang kelan ba ito?