Pagbalik namin galing Batanes, parang ang bilis bumalik ng totoong mundo. Ingay. Trabaho. Tawag. Messages. Pero kahit ganoon… may isang bagay na hindi na nawala sa isip ko. Ang pagtatapat ni Gareth. Yung boses niya. Yung tingin niya. Yung paraan ng pagsabi niya na parang matagal na niyang kinikimkim. “Ma’am Shiloh, okay na po yung deliveries,” sabi ni Rica. “Good,” automatic kong sagot. Pero hindi ako nakikinig talaga. Kasi kahit anong gawin ko… bumabalik yung eksena sa Batanes. Yung tahimik. Yung preskong hangin. Yung kamay niya na hawak yung kamay ko. Napahinto ako sa desk ko. “Ma’am?” si Rica, napansin siguro na nakatulala na naman ako. “Hmm?” sagot ko. “Okay lang po kayo?” tanong niya. “Okay lang,” sagot ko agad. Pero hindi talaga. Kasi ang totoo? hindi na ako makapag-f

