Hindi ko na alam kung anong dapat kong maramdaman. Nakatayo lang ako sa harap niya, pilit inuunawa ang bawat salitang binabato niya sa’kin—kahit hindi ko naman maintindihan kung saan nanggagaling ang galit niya. At bago pa siya muling makapagsalita— “Enough, Atasha.” Parang may biglang humila sa hangin. Napalingon ako. At doon ko siya nakita. Si Migz. Diretso siyang lumapit, hawak ang braso ni Atasha para pigilan ito. Halata sa mukha niya ang inis—o mas tama siguro, pagod. “Atasha, that’s enough,” ulit niya, mas madiin. “Bitawan mo ’ko!” pilit na kumawala si Atasha, halatang may tama na rin sa alak. “Hayaan mo ’ko! Matagal ko na ’tong gustong sabihin!” Napatingin ako sa kanilang dalawa. Hindi ko alam kung bakit… pero parang mas lalong bumilis ang t***k ng puso ko nang makita ko s

