"Gaya nung una, hindi ko masisigurado ang maging tagumpay tayo sa Prosesong ito. Dahil may mga instances tulad ng early miscarriage."
Paalala ni Doc Lara, matapos ang pag inject saakin. Back to zero nanaman kami sa IVF.
"Thank you, Lara, sana this time maging successful na." tugon ni Migz.
"That's also my wish for you two, Migz."
Matapos ang appointment namin kay Doc Lara, ay umalis na kami.
"Alam mo, iniisip ko na kung anong magandang pangalan sa maging baby natin." aniya habang nagmamaneho. "Ikaw ba? May naisip kana?"
Sumulyap ako sakanya at binalik ang tingin sa daan, "Wala pa."
"Sabagay. It's too early pa naman para isipin natin yan." aniya.
Ang buong akala ko ay, uuwi na kami. Huminto ang sasakyan sa isang korean mart. Namiss ko tuloy ang pumasok sa tindahan na yan. Palagi kasi kaming bumibili noon sa labas ng eskwela ng ice cream at ibang mga pagkain na gawa sa korea.
Pinagbuksan kami ng Guard. Pinauna niya ako at nakasunod naman siya saakin. May mga upuan sa loob kaya umupo ako dito habang si Migz, ay nasa counter.
"Ramyeon for two, please." Order niya.
"Spicy or Mild, sir? " tanong ng Tindera.
"One spicy and one mild," tugon niya.
"Okay sir, paki hintay nalamang po. Ise-serve po namin in just five minutes. "
Matapos niya inorder ay lumapit siya sa kinauupuan ko at tumabi.
"Alam mo maraming masasarap dito, kaya lang, huwag muna ngayon, baka makaapekto sa– alam mo na. tsaka nalang."
Namamangha ako kay Migz, sa mga bagay na ngayon ko lang natuklsan sa pagkatao niya. Ang buong akala ko, dahil sa mayaman siya, ay hindi niya makahiligan ang mga simpleng pagkain.
Nang maibigay saamin ang inorder, ni Migz, ay tinake-out namin ito. Dahil wala namang table na pwedeng pag-dine-in. Bitbit niya ito sa kabilang kamay, at inalalayan niya naman ako gamit ang isang kamay, patungo sa kotse.
Habang naglalakad kami ay hindi ko maiwasan hindi sulyapan ang magkasalop naming kamay.
"This is my Favorite. Sa tuwing dumadaan ako dito, ay humihinto talaga ako para lang mag Ramen." aniya matapos umpisahan sumubo. Nasa loob na kami ng kotse na nasa parking lot.
Napangiti ako. Tila batang sabik na sabik sa pabirito niyang pagkain.
Tahimik naming kinakain ang ramen. Hangang sa naubos. At matapos ay pinaandar nya ang kotse.
Nang makarating kami sa bahay ay, inalalayan niya parin akong lumabas ng kotse. Hindi ko na mabilang na nahawakan ang kanyang palad.
"Babe?"
Napatingin ako sa kamay ko nang bitawan ito ni Migz, nang madatnan namin si Atasha sa loob ng bahay.
Ngunit ibinalik ko ang tingin kay Atasha at tipid na ngumiti.
"Bakit hindi ka nagpasabi na uuwi ka?" bungad na tanong ni Migz.
Humakbang papalapit si Atasha, "I want you to surprise babe."
"Kahit na, sana sinabihan mo ako. Para sana nasundo kita," si Migz, na tila nag-aalala.
Napangiti si Atasha, "Don't mind it babe" matapos niya itong sabihin ay hinalikan niya si Migz sa labi.
Mabilis ko iniwas ang tingin. At para bang uminit ang pakiramdam ko. Napalunok ako at di malaman gagawin.
"Hi, Shiloh," sambit ni Atasha.
Pilit kong ikinalma ang sarili at nginitian ko si Atasha. Ngunit ganun parin at hindi ko maibuka ang bibig.
Nanatiling nakatayo si Migz sa tabi ko, ngunit ang kanyang tingin ay derecho lamang.
"Shiloh, magpahinga ka na muna."
Tumango ako. "Sige, aakyat na ako."
Paalam ko kay Atasha. Mabilis na hakbang ang ginawa ko. Kung pwede lang lumipad pataas ay ginawa ko na.
Hingal ako nang makarating sa Kwarto. Hindi ko alam, pero para akong may nagawang kasalanan dahil sa tindi ng kalabog ng dibdib ko.
Napatingin ako sa Kama. Naalala ko ang nangyari kagabi. Napapalunok ako, at napapikit. Hinalikan niya ako kagabi at nagpaubaya ako. Pero hangang dun lang dahil nakatulog si Migz. Para bang sinamantala ko ang tagpong yon dahil lasing siya.
'Shiloh, hindi pupwede. Unang- una alam mo ang papel mo sa buhay ni Migz. Hindi ka pwedeng main-love dahil masasaktan ka lang!' Paalala ko sa sarili. Nalilito na ako.
Nagising ako, sa lamig na nanunuot sa balat ko. Nakatulog pala ako. Bumangon ako at tiningnan ang Oras sa relo na nasa side table. Ala-una na pala ng madaling araw. Malamang hindi na nila ako ginising para mag hapunan dahil nakatulog pala ako sa sobrang pag-iisip.
Nakaramdam ako ng gutom. Pero tinatamad na akong bumaba. Napatingin ako sa tiyan ko. Oo nga pala, may bubuhayin akong bata sa loob nito.
Tumayo ako at tumungo sa kusina. Magtitipla nalang ako ng gatas, dahil wala talaga akong ganang kumain.
"Pinapagising kita kanina kay Manang, pero tulog mantika ka raw,"
Napitlag ako habang tinitimpla ang gatas. Hindi ako lumingon. Matamlay na boses ni Migz na nasa likuran ko.
"N-napagod siguro ako kaya nakatulog ako."
"I see, kaya hindi ka nalang pinilit ni Manang. But I worried."
"Okay lang ako,"
"I mean, nag-aalala ako, dahil baka, hindi nanaman maging tagumpay ang IVF,"
Mapait akong ngumiti. Oo nga naman. Bakit naman siya mag-alala saakin. Parehas kami. Inaalala ko rin ang proseso ng IVF.
"Kaya nga, kahit mag-uumaga na bumangon ako para magtimpla ng gatas." Tugon ko.
"Hindi ka ba kakain?" Muli niyang tanong.
Sa pagkakataong ito ay humarap ako, hawak ang basong may lamang gatas.
"Pwede na siguro itong gatas. Tsaka mamaya nalang ako kakain,"
Tumango siya.
" Si Atasha?"
"Tulog na. Pagod rin sa byahe,"
Tumango ako. At lumikot ang utak ko sa sinabi niyang pagod si Atasaha. Sa byahe ba talaga o byahe sa kama?
"Ikaw, bat gising ka pa?"
"I can't sleep," aniya. Nakatitig siya saakin.
Bigla namang kumalabog ang dibdib ko sa tinuran niya, "G-gusto mo rin ba ng gatas? Nakakapagpaantok rin yon."
Napangiti siya at tila nais humalakhak dahil labas ipin niya at pati ang mga mata niya nakangiti rin.
Para bang lumalambot ang puso ko, sa tuwing nakangiti siya. Mga ngiting nakakapagpatunaw saakin. Paano ko mapipigilan ang sarili na hindi mahulog sa taong ito?
Lalong lumagkit ang mga titig niya. Napalunok ako. Ngunit tuyo ang lalamunan ko, kaya napainom ako ng gatas at iniwas ko ang mga tingin. Halos matapon pa ito dahil ramdam ko ang pag-nginig ng kamay ko.
"Bakit? Masarap ba yan?" tanong niya.
Binalik ko ang tingin sakanya, "Hindi ka ba nakakatikim ng gatas?"
"Nakalimutan ko na ang lasa."
"Gusto mo ba? Ipagtitimpla ki—"
Hindi ko natapos ang sasabihin nang siilin niya ako ng halik."