Part 1

1448 Words
"SHILOH!" Sigaw ng Nanay ni Shiloh. Kanina pa niya hinahanap ang kanyang nag-iisang anak. "Naku! Shay, tawag ka ng Mama mo, " gulat na sabi ni Marie. "Shishh! Huwag kang maingay," pilyang tugon ni Shiloh. Kumukubli sila sa pader ng bahay nila Marie. "Hindi ka ba natatakot? Baka mamaya niyan hindi kana papayagan ng mama mo na gumala" muling sabi ni Marie. "Oo nga at ikukulong ka nanaman sa bahay niyo," dugtong ni Aliyah na kakambal ni Marie. "Sino ba ang anak, bakit mas takot pa kayo?" Natatawang sabi ni Shiloh. "Ikaw talaga. Tara na nga at baka maunahan pa tayo nila Remi sa punong manga." Nag-unahan sa pagtakbo ang magkakaybigan sa kalapit na Hacienda ng mga RIVERO. Dito ang naging playground nila Shiloh at ang kanyang mga Kaybigan. Hinhayaan lamang sila ng may-ari dahil narin sa mga mababait silang mga bata. "Aray!" Hiyaw ni Shiloh. Nagmamadali itong umakyat, ngunit naabutan siya ni Remi at hinila ang dulo ng damit niya kaya siya ay lumagapak sa lupa. "Lampa! Lampa! Lampa!" Kantyaw ni Remi ng makaakyat ito sa punong manga. Salubong ang kilay ni Shiloh at halos maiyak na ito. "Mahulog ka sana!" Bago pa man siya makatayo ay, may biglang humawak sakanya, "Ayos ka lang?" Bigla itong nilingon ni Shiloh at kinilala. Hindi siya agad nakasagot dahil narin sa nag-unahang magsumbong si Marie at Aliyah. "Kuya, inaaway po kami ni Remi. Hinila niya po si Shiloh kaya nahulog," "Anong inaway hindi kaya!" "O sya, huwag na kayong mag-away, at mabuti pa mag sibaba na kayo diyan at baka kayo pang lahat ang mahulog at mapipilyan kayo." Tinulungan ni Migz na makatayo ang batang si Shiloh, na hangang ngayon ay tahimik lamang na nakatingin kay Migz, Na para bang natuod. "O sige na umuwi na kayo at magdidilim na rin. Sige kayo baka mamaya magpapakita sa inyo ang Tikbalang sa Puno ng balete." pananakot ni Migz, kaya bakas sa mga mukha nila ang takot. "O sige na nga ihahatid ko na kayo. Kayo talagang mga bata kayo," dagdag pa ni Migz habang napapailing sa kapilyuhan ng mga bata. "O, Shiloh! Saan kaba galing bata ka?! Kanina pa kita hinahanap," "Ah, aling Meding, galing ho sila sa Mangahan. Hinatid ko na po sila at itong si, Shiloh ay napaaway sa mga kalaro." "Naku, Sir Migz, pasensya na po kayo sa batang ito. Hindi ko nga alam at gustong gusto ng batang ito sa mangahan maglaro." "Wala, Ho 'yon. O sige po mauna na po ako. Shiloh uwi na ako." Tipid na ngumiti s Shiloh at Tumango. Sinundan niya ito ng tingin papalayo at biglang napasigaw nang Kurutin ito sa tenga ng kanyang Ina. "Ahh!" Mabilis na pumiglas si Shiloh at dumistansya sa kanyang Ina. "Pumasok ka sa loob at maligo ka. Amoy kanal kana!" Dali-daling tumakbo si Shiloh sa loob ng bahay. Matapos mag tangahalian kasi ay bigla itong nawala sa kanilang bahay at naglaro maghapon kung kaya amoy araw na ito. Sampung taon pa lamang si Shiloh. Nag-iisang anak ng mag asawang Aling Meding at Mang Edu. May pagkapilya si Shiloh kaya malimit na napapalo ng Ina. "Marie, laro tayo mamaya sa Mangahan," Nasasabik na sabi ni Shiloh, habang naglalakad mula sa paaralan. "Pinagalitan kami ni Mama kagabi at pinagbawalan na kaming pumunta sa Mangahan. Kasi itong si Aliyah, kinuwento niya na nahulog ka raw, kaya ayan pati kami pinagbawalan na." Walang ganang sabi ni Marie. "Ganun ba? Eh di ako nalang?" Tugon ni Shiloh. "Mag-isa?!" Magkasabay na tanong ng kambal. "Oo. Ayaw niyo naman kasi, edi ako nalang." "Hindi kaba natatakot? Diba sabi ni kuya Migz, may tikbalang sa puno ng Balete?" Ani Marie. "Sus, natakot naman kayo," "Huwag na tayo do'n. Sa bahay nalang tayo maglaro," dugtong ni Aliyah. "Eh gusto ko dun. Tsaka gusto kong makita si Migz," kinikilig na sabi ni Shiloh. "Hoy, kuya Migz! Wala kang galang, eh kung sila Mama nga tawag sakanya ay Sir Migz," taas kilay na sabi ni Marie. "Ang gwapo niya no? Alam niyo Crush ko siya at paglaki ko siya ang gusto kong aasawahin," Nagtawanan si Marie at Aliyah, "kaya naman pala gustong gusto mo do'n dahil crush mo si Kuya Migz!" "Hindi ka magugustuhan ni kuya Migz dahil amoy kanal ka! Sabi ng Mama mo!" Napalingon sila Shiloh nang sabihin iyon ni Remi. At walang tigil na nga ang pangangantyaw ng kababata kasama ang iba nitong barkada. Halos matunaw naman sa hiya si Shiloh kaya kumaripas siya ng takbo pauwi ng bahay. Isang lingo na ang nakakalipas at tahimik ang Hacienda ng mga Rivero. At tanging mga kulig-lig at mga huni ng ibon lamang ang maririnig. "Himala, at wala ang mga batang pasaway." nagtatakang sabi ni Mang Eboy. Nasa ilalim siya ng mga punong manga habang namamahinga kasama si Migz. Sinusuri nila ang mga bunga ng Mangga at ilang araw na nga lang ay maani na ang mga ito. "Siguro natakot sa sinabi ko na may Tikbalang sa puno ng Balete." Natatawang sabi ni Migz. "Talagang mga batang 'yon. Pero alam niyo Sir Migz, iba ang awra ng mangahan kapag nandyan ang mga bata. Para bang napakasaya kapag naglalaro sila sa ilalim ng mga puno.," "Kaya, hinahayaan ko silang maglaro. Kaya lang kargo natin kapag nahulog sa puno at nagkakasakitan sila," ani Migz. "Ganun talaga ang mga bata Sir Migz, malalaman mo yan kapag nagka-anak kana" pabirong sabi ni Mang Eboy. "Naku Mang Eboy, matagal pa po yun." "Sinasabi ko sayo dapat ngayon pa lang kilatisin mo na ang isa sa mga Gilpren mo," Napahalakhak si Migz sa winika ni Mang Eboy, "Wala pa po yan sa isip ko. Bente anyos pa lang ho ako." "Samantala ako, Desi-otso lamang ako nung inasawa ko ang aking may bahay. Tanda ko pa Desi-sais lamang siya nung kami ay nagtanan," "Talaga ho? " hindi makapaniwalang sabi ni Migz. "Eh mahal ko eh tsaka maraming umaaligid sakanya kaya bago pa ako maunhanan ay inunahan ko na sila," nakakatuwang sabi ni Mang Eboy kung kaya't nagtawanan sila. "Kuya Migz! " Napalingon ang dalawa nang marinig nila ang paparating na si Shiloh. "O, iha, anong ginagawa mo dito? Mag aalasais na ah," tanong ni Mang Eboy nang may pag-alala. "Maglalaro po sana " "Nang mag-isa at ganitong oras? Naku iha, hindi kami pwede ni Sir Migz dahil may trabaho pa kami kaya mabuti pa at umuwi kana," "Pasensya na po Mang Eboy, akala ko kasi andito sila Marie at Aliyah. Sige po uuwi nalang ako," "Hay nakung bata ka, hintayin mo ako at ihahatid kita baka mapano ka diyan sa daan." "Ako na Mang, Eboy, umuwi narin kayo," utos ni Migz. Humakbang na ito at sinabayan si Shiloh. May kung anong bagay na hindi maipaliwanag sa loob ni Shiloh, ngayong kasama nanaman niya si Migz. "Hmm! Naamoy mo ba Shiloh?" Tanong ni Migz habang naglalakad sila ni shiloh. May katangkaran si Migz at halos hangang dibdib lamang si shiloh kaya Napatingala siya bago tumugon, "Ang alin k-kuya Migz?" Nakangiting dumukwang si Migz kay Shiloh," Alam ko na, pabango mo 'yon no?" Halos mamula si Shiloh nang magtagpo ang kanilang mga tingin. "Ha? H-hind," "Shiloh!" Sabay na nilingon nila ang Nanay ni Shiloh. Na may bahid ng pag-alala sa boses nito. "Naku, Sir Migz pasensya na talaga kayo, dito na ako dumeretso sa Mangahan dahil kanina ko pa hinahanap ang batang ito," "Wala ho, Yo'n aling Meding, sa totoo nga yan maglalaro daw sana kaya lang wala ang mga kalaro niya sa mangahan kaya ihahatid ko na sana sa bahay niyo." "Naku nakakahiya na talaga sainyo.. pagpasensyahan niyo na po hindi na po mauulit. Hali kana Shiloh at magagbi na," Dali-daling nagalakad papalayo ang mag-ina. Naririnig pa ni Migz na sinesermunan si Shiloh ng ina nito. Napailing na lamang ang binata. Kinabukasan nagising na lamang si Migz sa tunog na nag-mumula sa kanyang telepono. "H-hello? "Migz, son" "Dad?" "O? Bakit parang nagulat ka?" Napabagon si Migz at tila hindi makapaniwala sa narinig sa kabilang linya. "Bumalik na ang iyong alaala?" "Thanks God at bumalik na nga. Ikaw kamusta kana?" "I-Im good. Im good Dad. Masaya ako at gumaling na kayo." Namasa ang mga mata ni Migz nang sabihin niya 'yon. One year Ago, nang madisgrasya ang kanyang Ama mula sa pagkakabanga ng sasakyan Dahil sa paghahanap kay Migz noong naglayas siya. Buong pamilya nila ay sinisi siya, kung kaya lumayo siya at umuwi ng Bulacan kung nasaan ang Hacienda ng kanyang Lolo Ramon. "I want to see you Son," Tuluyan ng tumulo ang mga luha ni Migz nang sabihin yon ng kanyang Ama. They were close kung kaya ganun rin ang pangungulila niya sa Ama. Pilit na pinapaklama ni Migz ang sarili bago tumugon, "Me too Dad," "Come home please," "Yes Dad. I will,"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD