PART 14

1717 Words
SHILOH'S POV. ISANG lingo na ang nakakaraan mula ng makunan ako. Isang lingo narin na hindi umuuwi si Migz. Hindi ko alam ang gagawin ko. Pakiramdam ko nadagdagan lang ang kasalanan ko sakanya. Nakausap narin namin si Doc Lara. Pwede naming ulitin ang proseso, ngunit kinakailangan ko munang palakasin ang resistensya ko, upang maiwasan ang muling miscarriage. "Shiloh, ito na ang mga pinabili mo." Inilapag ni Manang sa mesa dito sa dirty kitchen ang mga dalang pinamalengke. "Salamat po Manang, Mercy." Nakangiti kong sabi. Tila batang sabik buksan ang ang mga nakabalot. Mga sangkap sa pagluluto ang pinabili ko kay Manang. Dahil halos dalawang buwan na ako dito, at hindi na rin ako updated sa mga nangayayari sa dati kong buhay sa labas ng bahay na ito. kaya naisipan kong magluto. May napanood kasi ako sa Tv, kahapon. Isang pagkain na hindi ko pa natitikman sa buong buhay ko. "Manang, magluluto ako." Nakangiti kong sabi. "Sigurado ka? Eh ano ba yang lulutuin mo?" tanong ni Manang. "Beef borgi- bori-" nahirapan pa akong bigkasin ito. "Sigurado kabang alam mo yang lulutuin mo?" Ani Manang, na animoy, nababahala. "Ayun! Beef bourguignon. French food po, Manang. " sa wakas nasabi ko rin. "Wow. French food, mukang sosyal yun ah? Masarap ba yun?" tanong ni Manang. "H-hindi ko po alam," "Nakung bata ka, sige ikaw ang bahala, kapag palpak yan, mag i-itlog tayo mamayang hapunan," natatawang sabi ni Manang. Napakamot ako sa ulo at natawa. Hindi rin ako sigurado pero, nandito na ito kaya lulutuin ko na. Nagpatulong nalang ako kay Manang sa ibang gawain tulad na pagpapalambot ng karne sa pressure cooker. Makalipas ang isang oras ay natapos ko na lutuin. Napangiti ako dahil sa amoy palang nito ay nakakatakam na. "Manang, dali tikman niyo po ito," "Akin na. Naku ang bango ah," hinipan pa ito ni Manang, ng dahan-dahan bago tinikman. Matapos niya itong tinikman ay tila wala siyang reaksyon. Naghihintay parin ako sa sagot niya. Tumingin saakin si Manang, "Shiloh, ang sarap!" "Talaga po?" Tuwang-tuwa kong sabi. "Tamang-tama at nagugutom na ako. Mabuti pa at magtanghalian na tayo," apurang naghanda ng mga pingan si Manang. Masaya at sarap na sarap kami sa lasa ng niluto ko. Naparami ang pagluto ko kaya ang natira ay inilagay ko ito sa Isang palstic container at nilagay sa Ref. Napatingin ako, sa wall glass. Madilim na sa labas. Gumabi na naman ngunit Mukhang hindi na naman uuwi si Sir Migz. Nagkibit balikat nalang ako habang, pinapanood ang palabas sa TV. Ako nalang ang nandito, dahil nagpapahinga na sila Manang, sa Quarters nila. At dahil mag-isa lang ako, ay dito ako sa sala matutulog. Pumwesto ako sa sofa at humiga dito habang nanood. Hihintayin ko nalang na antukin ako, tsaka ko papatayin ang Tv. Ngunit hindi ko namalayan ang paglamlam ng mga mata ko. Naririnig ko pa ang ingay na nagmula sa TV, ngunit unti-unti na itong lumalabo sa pandinig ko. Tinatalo na talaga ako ng antok kung kaya't tuluyan ng pumikit ang mga mata. Napaunat ako at mas binalot ko pa ang katawan sa kumot dahil giniginaw na ako. Ngunit naidilat ko ang mga mata nang mapagtanto na wala akong kumot na ginamit kagabi. Inilibot ko ang tingin at napakunot ang nio ko. Nasa kwarto ako. "Paano ako napunta dito? Naglakad ba ako kagabi habang tulog?" Napahawak ako sa ulo at pilit na inaalala pero hindi eh. Nasa sofa ako, kagabi. Baka ginising ako ni Manang kagabi? Baka, siguro, bahala na nga. Bumangon ako at agad na naligo. Matapos ay lumabas na ako sa Kwarto. Nang maisara ko ang pinto ay malalaking hakbang ang ginawa ko, na halos patakbo patungo sa hagdan. Ngunit naka dalawang hakbang palang ako ay napahinto ako dahil bumukas ang pinto ng kwarto ni, Migz. Iniluwa si Migz nito. Bagong ligo siya, dahil mamasa-masa pa ang kanyang buhok. Nakasandong puti siya at black short na may haba above the knee. Nakatayo lamang ako, Animoy natulala. Pababa narin sana siya ngunit agad niyang napansin ang presensya ko. Nais ko siyang batiin ngunit hindi ko maibuka ang ang bibig. "Good morning." Bati niya. Napukaw ang atensyon ko at pilit na tumugon. "G-good morning-" Tumango siya. Matapos ay tuloy-tuloy na humakbang pababa ng hagdan. Sinundan ko lamang siya ng tingin. Sa totoo lang, sa isang lingong hindi ko siya nakita, para bang may kung anong saya sa loob ng puso ko, na ngayong nandito siya sa bahay. Ngumiti ako at mabilis na tumungo sa kusina. May naisip nanaman akong lutuin. Ngunit nawala ang sayang yun, at naisip na nandito si Migz. Alam kong ibang luto ang ihahanda ni Manang. Di bale hindi naman siya magtatagal dito, sa susunod ko nalang lulutuin ang bagong recipe na napanood ko. Nang makarating ako sa kusina, tama nga ang hinala ko, abala si Manang sa pagluluto. Sinilip ko pa ito, na abala sa paghahalo. "O, Shiloh," bati ni Manang. "Manang, ginising niyo po ba ako kagabi?" Tanong ko. "Ha? Hindi," tugon niya habang abala sa paghahalo ng niluluto. "Kasi po, binalak ko sa sala ako matutulog at dun naman talaga ako natulog pero pag gising ko, nasa kwarto na ako-" "O, eh, baka naman, naglakad habang tulog?" Natatawang sabi Manang. "Siguro? Ah di Bale na nga, mahalaga hindi ako nahulog sa hagdan," pabiro kong sabi dahilan ng paghalakhak ni Manang. "Ikaw talaga bata ka. Napatawa mo ako dun ah. O, sya, maghanda kana dahil sabayan mo si Sir Migz sa agahan." "Naku, hindi na po," "Aba, bakit?" "Kasi ang uulamin ko yung niluto ko kahapon. Iinitin ko nalang," "Pwede namang initin mo na ngayon at sumabay kana sa kanya," "Manang, hindi ako sasabay, kasi baka mamaya hindi ko mapigilan ang kiligin sa ulam na niluto ko kahapon. Nakakahiya naman kung mapansin ni Sir, Migz." "Naku! Akala ko naman kung anong kilig yang sinasabi mo," "Huy, Manang, bawal po yang iniisip mo," Kinuha ko na ang ulam na pinasok ko sa ref kahapon. Inilagay ko ito sa microwave upang initin. Hindi pa man, tapos ang limang minutong pag-iinit ay, naramdaman ko, na tinatawag ako ng kalikasan. Kaya mabilis akong tumungo sa kwarto ko. Matapos akong mag deposito sa banyo, ay bumaba na ako at tumungo sa kusina. Pagbukas ko sa Microwave ay wala na dito ang ininit ko kanina. Hinanap ko ito pero wala dito sa Kitchen. Tumungo ako sa dinning area, ngunit blanko ang Mesa. "Manang, yung ulam ko po?" "Aba nariyan lang yun, bakit nawawala ba?" tugon ni Manang. "Wala po dito eh," Biglang dumating si Josie galing sa labas, "Manang, tawag po kayo ni Sir Migz." "Sandali, Shiloh. Hanapin mo nalang diyan ang ulam mo," dali-daling tumungo si Manang sa labas. Napakamot nalang ako sa ulo. nakita ko si Josie at agad ko siyang nilapitan. "Josie." "O, bakit Shiloh," tugon niya habang hinuhugasan ang kawali. "Napansin mo ba ang ininit ko sa microwave?" "Oo." Aniya. Natuwa naman ako, "Talaga? Nasaan na? Uulamin ko kasi," Luningon siya saakin at namulagat ang mga mata, "Ha? Eh, sinerve ko na kay Sir, Migz." "Ano?" "Eh, akala ko kasama yun sa niluto ni Manang," aniya. "Sige, di bale na." bagsak ang balikat ko na nagsandok ng pagkain. Kumain ako at inulam ang luto ni Manang. Ngunit habang ngumunguya ay, nanghihinayang ako sa ulam na yun. Matapos kumain ay, naisip kong magkukulong muna sa Kwarto. Hindi ko kayang umupo sa sala na narito sa bahay si Sir Migz. Ngunit bago pa man ako umakyat sa itaas, ay dumating si Manang. "Shiloh." "Po, Manang." "Yung ulam mo, kinain na ni Sir Migz." "Si Josie po kasi, nagalit ba siya? Hindi ba siya nasarapan?" "Eh kaya nga ako pinatawag–" "Naku, Manang, sinabi niyo bang ako ang nagluto?" "Oo, eh yun naman ang totoo," Hindi na ako kumibo at nakaramdam ako ng hiya. "Alam mo ba kung ano ang sinabi niya?" Ayoko na sanang pakingan dahil lalo lamang akong mapahiya. Ngunit hindi ko mapigilan si Manang. "Gusto niya raw ang luto mo, at ipagluluto mo raw siya, Nun." "Nagustuhan niya?" "Aba, oo. Diba sarap na sarap din tayo kahapon?" pigil na humalakhak si Manang. Nawala ang kabang naramdaman ko kani-kanina lang. "Nakapag-almusal kana ba?" tanong ni Manang. Tumango-tango ako, "Tapos na po," "O sya, maghanda ka dahil sasamahan mo si Sir Migz ba mamili. " "Po?!" gulat na turan ko. "Eh, ikaw ang nakakalam ng mga sangkap, kaya ikaw ang sasama." matapos itong sabihin ni Manang ay umalis siya sa harap ko. Nagpalit lamang ako ng maayos- ayos na damit at, hinihintay na aalis kami ni Sir Migz. Ilang sandali pa ay, narinig ko na ang busina na nagmula sa sasakyan ni Migz. Tumungo agad ako sa labas at tahimik ng sumampa sa kotse niya. Tahimik. At ang labas ay tinatanaw ko, habang tumatakbo ang kotse. "Masarap ka palang magluto?" "Napanood ko lang yun sa TV," "Talaga? Mabuti naman at may natutunan ka sa panonood mo," Tipid akong ngumiti. Kahit hindi ako nakatingin sa kanya ay alam kong sumlyap siya. Halos isang oras ang byahe namin bago narating ang super Market. "If you need any personal things, take it first. Before we go to the meat and vegetable section," "Pwede ba?" "Yeah sure," Sabik akong tumungo sa stante ng Chichirya. Tuwang tuwa ako na damputin ang favorite chips. Kumuha narin ako ng mga pang araw-araw na gagamitin. "Hi," Bati ng isang lalaki na isa ring mamimili. Tipid akong ngumiti at umalis sa harap niya. "Wait," pigil niya saakin. "Shiloh?" Biglang dumating si Migz, at matalim niyang tinitigan ang lalaki. "I'm sorry, akala ko kasi, ikaw yung kakilala ko." Mabilis ito, na umalis sa harap namin. "Nextime, huwag kang mag-entertain nang hindi mo kilala," mahinahon niyang sabi. Tumango-tango ako. Kinuha niya ang mga nakuha ko at inilagay sa cart. Matapos ay tumungo na kami sa Meat section. Matapos kong kunin lahat ng kailangang sangkap, ay binayaran na ito ni Migz. Ang akala ko ay, uuwi na kami. Ngunit huminto kami sa isang Resto. "Goodmorning Sir, Ma'am, welcome," "Table for two," "This way Sir, " Nakakamangha ang loob ng Resto na ito. At ang mga kumakain ay tila mga mayayaman. Habang hinihintay ang mga i-norder ni Sir Migz. Ay napatitig Si Sir Migz saakin. Nailang ako at iniwas ko ang mga tingin sakanya. "Shiloh, nakausap ko si Doc Lara. Nextmonth, uulitin natin ang proseso ng IVF, kaya sana, maging handa ka."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD