The Fact-king hurts "Naging kayo ba ni Liliane?" inulit ko pa ang tanong ko sa kanya, pero di parin ito sumasagot naka hawak lang ito sa kaniyang bewang habang ang isa ay sa kanyang noo nag iigting din ang dalawang pangang naka tingin lang sa baba. "Brigette, its not important kung naging kami oh hindi" sabi niya na di ako magawang tignan. "So naging kayo nga?" matalim kong sabi sa kanya. Imbes na sumagot ay mabilis niya akong tinalikuran saka tumungo sa silid. Nakagat ko ang labi ko nang mariin dahil sa ginawa niya. Ilang minuto pang nakadepina ang mga paa ko bago ako nakahuma at sinundan siya sa loob. Naabutan ko siyang nakatayo sa veranda. "Answer me Peter, naging kayo? oh kayo padin hanggang ngayon?" pakiramdam ko ay gumuhit ang hapdi sa puso ng mga katagang pinakawalan ko.. Hum

