After all Muli akong pumikit nang mariin bago matapos ang kanta ay di ko maiwasang pumiyok, dala marahil nang emosyon ko nang makita ko siya. Pero napaka supportive nang audience ko dahil pumalakpak pa sila sa nangyare. Nilingon kong muli siya pero wala na siya doon.. Bumaba ako sa stage dala ang kaba habang nililingon ko ang paligid. "Are you okay?" Nag-aalalang tanong saakin ni Louie na giniya ako patungo sa aming lamesa, para maupo. Tango lang ang isinagot ko sakanya na nanatiling nakatayo at lilingon lingon parin. "Are you looking for something? are you expecting some guest?" Naka kunot ang noong tanong nito saakin. Nilingon ko siya, saka umiling at muling nag hanap sa paligid. Narinig ko pa ang buntong hininga niya kaya naupo na ako sa tabi niya. "Wow! Ang galing mo talaga Gett

