bc

TEARS OF A BILLIONAIRE'S WIFE JADE MONTEMAYOR ( TAGALOG )

book_age18+
121.7K
FOLLOW
969.5K
READ
billionaire
revenge
second chance
dare to love and hate
others
billionairess
drama
tragedy
addiction
like
intro-logo
Blurb

Billionaire Jade Montemayor and Sofia Sandoval, the perfect couple in the whole town. Hinahangaan ng kahit sinong nakakakilala sa kanilang dalawa. Saksi ang lahat ng mga kaibigan, kakilala at lalong higit ang buong pamilya. Mahal na mahal nila ang isa't-isa, subalit bigla na lang nagbago ang lahat.

Naghiwalay silang mag-asawa sa hindi malamang dahilan. Nakulong ang bilyonaryo na si Jade Montemayor. Nagkaanak ng Quadruplets, ang sikat na 'Designer: Sofia Sandoval.

Makalipas ang mahabang panahon, muli silang nagkita. At napatunayan nila pareho na mahal pa rin ang isa't-isa. May pag-asa pa kaya silang magkabalikan kung tutol ang Quadruplets, sa lalaking abot langit ang pagkamuhi nila?

chap-preview
Free preview
Chapter- 1
Tatlong taon na silang kasal ngunit hindi pa rin biniyayaan ng Anak, at wala namang pagbabago ang kanilang pagsasama, masaya pa rin sila dahil mahal nila ang isa’t isa. Isang araw ay may kumatok sa gate nila ngunit binaliwala iyon ni Sofia. Lately ay hindi maganda ang kaniyang pakiramdam. Naninibago rin siya sa sarili dahil parang may kakaiba, lagi siyang nakakaramdam ng hindi maganda, masakit ang ulo, nahihilo at nagsusuka. Kaya’t nagpasya na mahiga muna at ipikit ang mga mata, baka sakaling gumanda ang kaniyang pakiramdam. Agaw antok na siya ng katukin siya ng isang kasambahay, “Ma’am, ipaalala ko lang ang pagpunta mo sa clinic, baka po makalimutan mo.” “Hindi ho Manang, medyo masama lang ang pakiramdam ko kaya nakahiga ako.” “sige po Ma’am, magpahinga ka muna at kung may kailangan ka at tawagin mo lang ako.” “Salamat ho.” Halos isang oras din siyang nakatulog, at naging maayos na ang kaniyang pakiramdam. Kaya’t mabilis na pumasok ng banyo para maligo. Dapat bago dumating ang kaniyang asawa ay nakabalik na rin siya ng bahay. Pagdating niya sa information ay may kaunting interview. "Mrs. Montemayor, sa Ob-Gyn po kayo dumiretso," nakangiting pahayag nito sa kaniya. "Ha? Bakit doon ay hindi naman ako buntis?" "Ang mga sintomas ng pagsama ng iyong pakiramdam ay kagaya ng isang buntis." Matapos magpasalamat ay agad na tumalikod, hindi maiwasang umasa na sana ay buntis nga siya. Tumuloy na siya sa Room ng OB-Gyn at naabutan niyang may tatlong buntis na nakaupo sa waiting area. Palihim niyang minamasdan ang naglalakihang tiyan ng mga ito. Nang biglang nag appear sa kaniyang balintataw ang sarili na malaki din ang tiyan. Napangiti siya sa senaryo na iyon at hinaplos ang impis niyang tiyan. "Mrs. Montemayor, pasok na ho kayo sa loob." "Ah, okay salamat nurse," masayang sagot niya dito. Naupo siya sa isang upuan sa loob ng cubicle ng doktora. Nakangiti ito sa kaniya matapos basahin ang kaniyang personal information. "Halika Mrs. Montemayor, i-check natin to make sure na healthy ang nasa tiyan mo." "Doc a-ano po ang ibig mong sabihin?" "I think buntis ka, Mrs. Montemayor, mahiga ka dito." Matapos niyang mahiga ay itinaas nito ang kaniyang blouse at bahagyang inilihis ang pang ibabang damit. May nilagay sa kaniyang tiyan na gel tapos iniikot-ikot ang hawak na aparato. "Mrs. Montemayor, you are pregnant at hindi lang iisa. Tingnan mo sila hindi lang kambal mas higit pa. Hindi pa lang natin mai-clarify kung ilan dahil masyado pang maaga. Sa palagay ko ay two weeks palang sila dyan sa tiyan mo." “Doc salamat ho.” Nakaramdam siya ng sobrang kasiyahan at alam din niya na mas magiging masaya ang kaniyang asawa. Matapos mabigyan ng reseta para sa mga vitamins ay nagpaalam na siya sa mabait na OB Gyn. Subrang saya talaga niya, sa wakas nagbunga din ang kanilang pagmamahalan. Hindi na makapag hintay ay tinawagan muli ang asawa subalit, walang signal ang kaniyang si Jade. Dalawang oras na nakatulog si Sofia pagkatapos uminom ng Vitamins. Sinilip niya ang mobile phone kung may mensahe ang asawa ngunit wala rin kahit tawag. Madilim na sa labas kaya bumangon at naghanda ng maluluto, ang paboritong ulam ng kaniyang asawa. “Ma’am, ako na ho ang magluluto at baka hindi pa maganda ang pakiramdam mo?” “Okay na ako Manang, at salamat.” ayaw niyang ipagkatiwala ang pagkain ng kaniyang asawa sa ibang tao. Mas gusto niyang pagsilbihan ang kaniyang mahal, at masaya siya sa kaniyang ginagawa. Nakarinig ng huminto na sasakyan kaya pinuntahan ng isang kasambahay at inalama kung sino ang nasa tapat ng gate nila. Pagbalik nito ay may dalang isang brown envelopes at ipinatong nito sa table. “Ano ang mga yan?” “Nakita ko ho sa labas ng gate.” Agad na dinampot iyon nagtungo sa living room at doon ay na upo siya. Mabilis na binuksan ang envelopes at binuhos ang laman sa ibabaw ng center table. Ngunit hindi siya agad nakagalaw sa sobrang pagkabigla. Hanggang unti-unting lumuhod sa carpet dahil anumang oras ay maaari siyang bumagsak. Ilang beses pa niyang tinitigan ang mga larawan at nagbabakasakali na namamalikmata lang siya. Subalit totoo na ang kaniyang asawa iyon at katabi ang isang babae sa ibabaw ng kama. Walang patid ang pagpatak ng mga luha ni sofia sa mga larawang nasa harapan niya. Wala nang sasakit pa na makita ang asawang may kayakap na iba. At hindi lang iyon, ang mga larawan ay magkaiba ng date, matagal na siyang niloloko ng kaniyang asawa. Kahit parang pinipiga ang kaniyang puso sa sakit na nararamdaman ay tiniis niya. Itinago niya ang mga iyon, gusto muna niyang makasigurado. Hindi siya naniniwala na magagawa ng kaniyang asawa dahil mahal siya nito. Kumakapit pa rin siya sa kakarampot na pag-asa, to see is to believe." Kahit naka balandra na sa kaniyang harapan ang katibayan ay ayaw paring tanggapin ng kaniyang isipan. Kahit sobrang sakit na ang nararamdaman ay gusto pa ring paniwalain ang sarili na mahal siya ng asawa. Baka edited ang mga iyon at may gusto lang manira sa kanilang mag asawa. Sa pagdaan ng mga araw ay lagi nang late dumarating ang asawa ngunit hindi niya ito minsan mang tinanong. Ayaw niyang aminin sa sarili na natatakot siya kung sakaling sa mismong bibig ng asawa magmula na totoo lahat ng nasa larawan. Hanggang isang araw, "Honey, please paki handa ang mga gamit ko para sa isang linggong stay doon, may conference ako sa Davao." Agad naman siyang tumalima, lahat ng kakailanganin ng asawa ay kaniyang inilagay sa isang bag. At palihim din niyang inalam ang schedule ng asawa at kung anong oras ang flight nito. Nang makalipad na ito ay nagmamadali ang kilos na kinuha ang kaniyang mga importanteng gamit. Walang sinayang panahon at lumipad rin siya patungong Davao. Malakas ang kaba na may kasamang takot, ngunit kailangan niyang gawin ito. Nag check in si Sofia sa malapit kung saan ang lugar na naroon ang kaniyang asawa. Nagsuot siya ng blond wig at black shades na bagay sa kaputian niya. Magkasalubong man sila ni Jade ay hindi siya nito makikilala sa bagong outlook niya. She's so beautiful, parang hollywood actress kaya bakit ginawa pa ng asawa ay pinagpalit siya sa iba? Palihim niyang sinundan ang kaniyang asawa ng pumasok ito sa isang five star hotel. Sa isang italian restaurant siya nag pwesto . At sa medyo malapit kung saan nakaupo si Jade habang may hinihintay ito. Ten minutes later isang sexy ang lumapit at humalik sa pisngi ng kaniyang asawa. Ang akala niya ay umupo na ang babae sa katapat na upuan ngunit minsan pang hinalikan nito si Jade at sa labi pa. Doon ay hindi na niya kinaya at nagmamadaling tumayo para umalis. Kuyom ang kamao sa galit, ang babaeng ito ang nasa larawan at kaniig ng kaniyang asawa. Nagmamadaling tumayo habang nag uunahan dumaloy ang luha ay mabilis ang lakad na lumabas ng Hotel. Sofia is going back to manila, hindi siya mrtyr, at hinding hindi rin magma makaawa kay Jade para lang balikan siya nito. Siya si Sofia Villamor Sandoval at hindi kailanman luluhod para lang hindi iwan ni Jade, at wala siyang pakialam sa sasabihin ng ibang tao, ginusto ng asawa iyon kaya dapat na panindian nito. Sofia Villamor Sandoval ang pinaka bata sa tatlong magkakapatid. Nanggaling sa mayamang pamilya at hindi lang Basta mayaman, isa sila sa pinakamayaman sa buong bansa. Lumipad agad patungo ng Europe, hindi ang klase ng isang Sofia, ang babaeng mag-iiyak sa isang tabi. Tama na ang isang araw na pag iyak niya para sa kataksilan ng asawa. Tatanggapin niyang muli ang pagiging isang sikat na designer at kahit tatlong taon siyang nahinto ay hindi iyon nakakabawas ng kaniyang kasikatan. Samantala ay panay ang busina ni Jade, pero walang nagbubukas ng gate. Sinubukan na tawagan ang numero ng asawa at naka off ito. Wala siyang choice kaya inakyat niya ang bakod at tinalon iyon. Madilim ang buong bahay at nagtataka siya kung nasaan ang kaniyang asawa. Nagmamadali pumasok at binuksan ang ilaw. Pagod siya sa byahe kaya umakyat sa kwarto para makapag pahinga. Baka nasa lakwatsa lang ang kaniyang asawa at masyadong nalibang. Ngunit natigilan siya at kinabahan ng makita ang nakapatong sa side table. Annulment paper at ang mga hubad na larawan nila ng kasamang babae. Nakaramdam na siya ng kakaiba kaya agad na nagtungo sa isang pintuan at binuksan ang closet. Subalit wala nang lahat ng damit ng kaniyang asawa. Nanghina at napaupo siya sa kama, tuluyan na nga siyang iniwan siya nito. Gusto niyang magwala, ngunit kanino nga ba siya nagagalit? Kung 'di sa sarili, dahil hinayaan niyang masira ang kanilang pagsasama. Lumipas ang mga araw, linggo at buwan walang kahit sino ang nakakaalam kung nasaan si Sofia. Meaning wala ito sa bansa at dahil maimpluwensya ang mga Sandoval, ay hindi niya ma-trace kung saan ito nagtatago ito. Malakas na tunog ng telepono ang gumising kay Jade.. "Yes, speaking?" "Pare open the cnn news bilis!" Alimpungatan man ay sinunod niya ang sinabi ng kaibigan. Latest news, interview for the famous designer Ms. Sofia Villamor Sandoval. "Maraming nagsasabing iniwan muna ang pagiging isang sikat mo at pinagpalit ang career mo sa isang Jade Montemayor noon, at gaano ito katotoo? Aside dyan ay hiwalay na daw kayo ng asawa mo ngayon, third party ba ang dahilan?" Halos hindi humihinga si Jade habang hinihintay ang sagot ng kaniyang asawa. "Yes! We are already Annulled at may bago na siyang pamilya, that's all!" Hindi na hinintay pa ni Jade ang iba pang sasabihin ng asawa at ini off na niya ang tv. Hindi kailanman tayo maghihiwalay! Mananatili kang Montemayor Sofia! Tandaan mo yan! Akin ka lang! At magmula ng iwan siya ng asawa ay naging mainitin ang ulo at naging palasigaw sa mga tauhan sa loob ng company. Dave is calling him. "Yes kuya?” "Pumunta ka dito sa mansion Mom, is waiting for you, dito ka na mag dinner.” "Okay, within thirty minutes, I'll be there." Makukulit na mga pamangkin ang sumalubong sa kaniya. "Uncle!" Sigaw ng mga ito. Naiinggit siya sa mga kapatid dahil may mga chikiting na ito. Samantalang siya ay iniwan ng kaniyang asawa na wala man lang naging anak. Hanggang ngayon ay masakit pa rin ang pag iwan sa kaniya ni Sofia, pero siya naman ang may kasalanan. Dahil nagsinungaling siya at hindi niya sinabi ang totoo sa asawa. At kahit magsisi man siya ay huli na, kilala niya si Sofia, isa itong Sandoval na walang kinatatakutan. Mabuti nga at hindi siya ipina bugbog sa mga pinsan nito. "Malalim na naman ang iniisip mo Jade?" Puna ng Mommy, niya. "Bakit hindi mo subukan na sundan ang asawa mo at kausapin?” Umiling lang siya sa Ina. Mabilis ang paglipas ng panahon at isang taon na pala ang lumipas. "Welcome to the Mactan Airport." Sofia is here in the philippines, may schedule siya sa isang sikat na modeling agency para sa mga bagong design niya. Smx Cebu Convention Center, gaganapin ang launch. Hope na hindi sila mag krus nang landas ng Asawa niya. Yes, she still married to Jade, dahil ilang beses na siyang nag request ng copy sa iniwang annulment paper. Subalit napag alamang hindi nito iyon pinirmahan. Until now ay masakit pa rin, dahil bali-baliktarin man ang mundo ay mahal na mahal pa rin niya ang asawang si Jade. Napukaw siya sa malalim na pag iisip dahil tinawag siya ng manager ng modeling agency. "Ms. Sofia, nagka emergency ang isang modelo at hindi siya makakarating. Pinaka importante pa naman ang irarampa niya, pasensya na baka pwedeng ikaw na lang ang magdala?" Wala syang choice at mga design niya ang ila-launch. Tumayo at mabilis nag ayos. "Pang ilang numero ako?" "Ikaw ang pinaka last." Halos hubad na siya sa suot na bagong gown na sitro. "Ms. Sofia, be ready!" Namatay lahat ang ilaw at isang malaking spotlight ang nakatapat sa kaniya. Malakas ang mga bulongan nang nagsimula na siyang maglakad. Pakiramdam ni Sofia, ay naging slow motion ang bawat galaw niya. Sa mansyon Montemayor, ay napamulagat si Laurice, sa nakikita. "Mommy! ‘Di ba si Ate Sofia, iyan?" Pati mga Kuya, niya ay nag lapitan din para mapanood ang modeling show. "Oo ang Ate, mo nga iyan bilis tawagan mo ang Kuya Jade, mo!" Tinawagan agad ang kapatid, "Kuya, open mo ang tv bilis si Ate Sofia, nandito sa Pilipinas, nasa Cebu, siya!" Hindi mapigilan umiyak ni Jade, habang pinapanood si Sofia, sa malaking screen ng tv at muntik nang hindi naabutan dahil halos tapos na ang mga rumarampang modelo. “My wifey, I miss you so much,” anas niya. Hawak ang bote ng whisky habang umiinom ay tinawagan niya ang kapatid. "Kuya Dave, i need private plane, lilipad ako patungong Cebu. "Okay mag ingat ka and goodluck." "I will, Kuya." >>>

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

THE BILLIONAIRE'S AMNESIA (COMPLETED)

read
90.9K
bc

The Sex Web

read
131.4K
bc

Belles and Saints 1: RAVISHED R-18

read
36.8K
bc

DELA COSTA EMPIRE SERIES 1: DEBT

read
12.0K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
126.1K
bc

NANNY FOR THE BILLIONAIRE'S TWINS

read
66.4K
bc

Escaping My Mafia Boss Fiance

read
34.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook