bc

Baka Hindi Tayo

book_age16+
1.0K
FOLLOW
2.6K
READ
like
intro-logo
Blurb

Sa mundo na walang kasiguraduhan ang mga bagay-bagay, gagawin mo ang lahat para umayon ang lahat sa kagustuhan mo. Ilang taong pinanghawakan ni Krisler ang pangako ni Roselle na kapag dumating na ang panahon na muling magtagpo ang landas nila ni Roselle, ipagpapatuloy nito ang naudlot nilang pagmamahalan. Ngayong nagtagpo na ang landas nila, mangyari na kaya ang mga bagay na hindi natuloy bago pa sila maghiwalay? .

chap-preview
Free preview
I.
"TAGU-TAGUAN maliwanag ang buwan. Pagbilang kong tatlo, nakatago na kayo!" saad ng isang batang nakasandal sa isang poste at ipinang-haharang ang mga braso sa kanyang mga mata. Nagkanya-kanyang takbo naman ang mga batang kalaro niya at nagtago sa kung saan man sila dalhin ng kanilang mga paa. Wala pa ring naiisip na matataguan si Krisler kaya nagpatuloy lamang siya sa pagtakbo. Lahat ng kalaro ay mukhang nakahanap na ng kanilang mga matataguan at lahat sila ay hindi na niya masilayan mula sa likuran niya. Malaki at malawak ang palaruan kung saan sila naglalaro at maraming matataguan, hindi nakakapagtaka at madaling nakapagtago ang iba nilang kalaro. Naghahanap si Krisler ng isang lugar kung saan mahihirapan siyang mahanap ng taya. Nakatagpo si Krisler ng isang bakanteng dyip at doon niya naisipang magtago. Umakyat siya roon at isiniksik ang sarili niya sa pinaka-sulok na parte ng sasakyan. Malayo-layo ang kinaroroonan niya mula sa taya. Kampante at tiwala siyang hindi siya matutunton doon. Hinubad na muna niya ang damit niyang basang-basa na ng pawis at pinunasan muna ang kanyang katawan. Ilang oras na silang naglalaro ng mga kalaro niya at lahat sila ay hindi pa nararamdaman ang pagod. Marahil nararamdaman na nila pero hindi na lamang nila ito pinapansin at mas pinagtutuunan nila ng pansin ang mga larong naiisip nilang laruin at ang kasiyahang nadudulot sa kanila nito. Wala silang paki-alam sa kahit anong sabihin sa kanila ng mga mas matatanda sa kanila, na kesyo tirik ang araw, na kesyo baka mahagip sila ng mga sasakyang dumadaan, na kesyo baka matuyuan sila ng pawis, wala talaga silang paki-alam. Hindi sa hindi nila pinahahalagahan ang sinasabi ng mga matanda sa kanila, ang sa kanila lang, hindi na sila bata at alam na nila kung paano iingatan ang kanilang mga sarili. Nagawa ng punasan ni Krisler ang kanyang katawan. Natapos na siya sa ginagawa niya pero hindi pa rin siya natatagpuan ng taya. Bahagyang natatawa siya dahil naiisip nito na maganda ang kanyang pinagtaguan kaya hindi siya magawang matunton ng kanyang mga kalaro. Sumilip siya sa bintana ng dyip na kinaroroonan niya at wala siyang makitang kahit sino sa mga kalaro niya ang patungo sa kinaroroonan niya. Ilang minuto pa ang lumipas at nakakaramdam na ng pagkabagot si Krisler sa kinatataguan niya. Hindi sa gusto na niyang magpahanap o magpataya pero hindi na niya matiis na mag-isa siya sa loob ng dyip at tila walang makahanap sa kanya. Bumaba na siya sa dyip at nagmasid muna sa paligid kung may kahit isa bang malapit sa kinaroroonan niya. Nang mapagtanto niyang walang kahit isang naroroon, nagmadali siyang tumakbo palayo sa dyip at naghanap ng ibang matataguan, `yong alam niyang may naghahanap pa rin sa kanya. Nakakita si Krisler ng isang bukas na gate at doon naisipang magtago naman. Tanaw niya mula sa kinaroroonan niya ang ilang kalaro niyang natagpuan na ng taya. Sinuri ni Krisler ang buong paligid at wala naman siyang napansing kakaiba sa lugar. May itim na kotseng nakaparada sa garahe, may mga nakasampay na damit sa tapat ng mga pintuan, may mga dahong nakakalat na mukhang nagsilaglagan mula sa puno ng mangga sa gilid ng apartment at ang isang batang babae na tansya niya ay kasing edad lang rin niya at nakadungaw sa bintana ng ikalawang palapag ng bahay, nakatingin sa kalangitan habang suot ang malaking headphones nito at tila nakikinig ng magandang musika dahil batid sa mukha nito ang kasiyahan. Mahaba ang buhok at nakasuot ng kulay asul na ribbon, bulaklakin ang suot na bestida, morena, bilugan ang mga mata at hindi katangusan ang ilong pero bumagay naman sa korte ng kanyang mukha. Natulala si Krisler sa natatanaw niya. Hindi niya maipaliwanag ang kanyang nararamdaman sa mga oras na `yon. Nabighani siya sa kagandahang taglay ng bata. Ito ang unang pagkakataong nakita niya ang bata sa kanilang lugar at hindi niya maitatangging nais niya itong makilala at maging kaibigan, o higit pa. Gusto niyang masilayan ito araw-araw. Wala siyang maisip na paraan kung paano gagawin iyon at hindi niya rin alam kung paano ito sisimulan kung sakaling maka-isip siya ng paraan. Humakbang siya palapit sa kinaroroonan ng bata upang masulyapan pa ang buong mukha nito pero laking gulat niya ng bigla siyang makatapak ng isang laruang tumutunog. Bigla itong tumunog at hindi niya alam ang gagawin kung paano ito papahintuin. Hindi na siya mapakali. Sumilip siya sa bintana kung saan naroroon ang bata at laking gulat niya muli ng makitang nakatingin na rin ito sa kanya. Nagtagpo ang kanilang mga mata. May mga ilang segundo pa ang lumipas at biglang napagtanto ni Krisler kung ano na talaga ang nangyayari. Tinanggal ng batang babae ang headphones na suot nito at tumayo. Nataranta lalo si Krisler. Wala na siyang magawa dahil hindi niya rin naman alam kung paano patitigilin ang laruan kaya inilapag nalang niya ito sa isang tabi at nagmadaling lumabas ng gate. Saktong paglabas naman ni Krisler sa gate ay napadaan sa harapan niya ang taya at nahuli siyang lumalabas, "Boom, Kier!" saad ng taya. Wala ng ibang nagawa si Krisler kundi magpahuli na rin. Sinubukan niyang silipin muli ang bintana kung saan niya nasilayan ang babae pero wala na siya roon. Marahil, naisipan nitong bumaba mula sa kinaroroonan nito ng mahuli nito si Krisler sa lugar nila. KINAGABIHAN, nautusan si Krisler ng kanyang ina na bumili ng mga paninda nito sa tindahan nila sa kalapit na convenience store sa barangay nila. Kaagad siyang kumuha ng isang bakanteng basket at nilibot ang buong gusali para hanapin ang mga dapat niyang bilhin. Sinigurong mabuti ni Krisler na tama at nasunod niya ang mga nasa bilihing nasa listahang ibinigay sa kanya ng kanyang ina. Ayaw nitong mapagalitan ng kanyang ina --- ayaw niyang marinig itong tumalak sa kaunting pagkakamali. Matapos makuha ang lahat ng kailangang bilhin, kaagad siyang nagtungo sa counter upang bayaran ang mga ito. Mabuti nalang at gabi na at hindi na ganoon kahaba ang pila kaya madali lang ang proseso na itto para kay Krisler. Kinuha na muna niya ang perang nakalagay sa kanyang bulsa at binilang ito. Sa kalagitnaan naman ng pagbibilang niya, biglang nalaglag ang ilang barya sa kamay niya. Isa-isa niya itong dinampot at laking gulat niya ng may isang maliit na lata ng sardinas ang bumagsak sa ulo niya. Dinampot niya ang lata at napakamot sa kanyang ulo ng harapin ang may-ari nito. Nakatakip sa mukha ng babae gamit ang isang kamay habang ang isang kamay naman ay kinukuha ang lata ng sardinas sa kanya. "S-sorry," nauutal na sabi ng dalaga. Tinanggal nito ang kamay na nakaharang sa mukha nito at sinubukang ngumiti sa kabila ng kahihiyang nagawa nito. Laking gulat naman ni Krisler na sa hindi inaasahang pagkakataon ay makikita niya muli ang dalagang nasilayan niya kaninang naglalaro sila. Pero iba sa pagkakataong ito. Mas nakikita niya ito ng as malapit at mas na-a-appreciate nito ang kagandahan ng dalaga. Ang kulay kahel nitong mata at ang matamis nitong ngiti. Ngayon niya lang ito nasilayan dahil kanina ay nakatagilid ito at nakatingala sa kalangitan ng makita niya. Mas nagagandahan siya sa pagkakataong ito. Parang nawala bigla ang sakit na naramdaman niya sa pagkakabagsak ng isang lata sa ulo niya. Kagaya ng unang naramdaman niya sa unang pagkikita nila, parang mas nabighani si Krisler sa pagkakataong ito. Napansin naman ng dalaga ang pagiging tulala ni Krisler kaya iginalaw nito ang kanyang kamay sa tapat ng mukha ni Krisler atsaka lang ito napabalik sa wisyo nito. "Ayos ka lang ba? Kung epekto `yan ng pagkakabagsak ng lata sa ulo mo, pasensya talaga. Hindi ko sinasadya." saad nito. Yumuko pa ito at humingi uli ng paumanhin kay Krisler. "Ayos lang ako. Naiintindihan ko namang hindi mo sinasadya kaya, wala na sa `kin `yon." nakangiting tugon ni Krisler. Napasinghap naman ng malalim ang dalaga at nagpasalamat sa kanya sa pag-intindi. Sabay silang naghintay ng pagkakataon nilang magbayad sa counter. Pinauna na ni Krisler ang dalaga sa pila dahil mas kaunti lang naman ang dala nito kumpara sa dala niya. Matapos nilang makapag-bayad, sabay na rin silang lumabas ng establisyimento at sabay na naglakad patungo sa kanilang mga bahay. Nag-usap lamang sila sa kahit anong bagay na bigla nilang maiisip. Hindi nga alam ni Krisler kung natatandaan ba nito ang senaryo kanina kung saan nahuli siya nitong nakatingin sa kanya at pumupuslit palabas ng apartment nila. Kaya ingat siya sa mga ikini-kuwento niya. Baka mabisto siya nito at baka ma-i-sumbong pa siya at mapagkamalang magnanakaw. Dumaan na sila sa kalsada kung saan nakatira ang dalaga at huminto sa tapat ng gate nila. "Maraming salamat at pasensiya talaga sa nangyari kanina." ani dalaga. "Wala na nga sa `kin `yon. Sige ka, kapag inulit mo pa, isusumbat ko sa `yo `yon." pagbibiro ni Krisler. "Oo na. Pero pasensiya talaga. Tutuloy na ko. Ingat pauwi." saad nito. Kumaway na ito kay Krisler at pumasok na sa kanilang gate. Sinulyapan muna ni Krisler ang pagsara ng gate at nagpatuloy na sa paglalakad. Pero hindi pa siya nakakalayo ay bigla niyang narinig ang pagsigaw nito dahilan para mapalingon siya. "Ano'ng pangalan mo nga pala?" pasigaw na tanong nito sa kanya. "Krisler!" pasigaw na tugon rin naman niya. Napatango naman ang dalaga at kumaway ulit sa kanya. "Roselle!" sigaw nito sa kanya at pumasok na muli sa gate. Roselle. Paulit-ulit na naririnig ni Krisler ang pangalang iyon sa isipan niya habang naglalakad siya pauwi. Muli niyang inalala ang pisikal na kaanyuan ng dalaga at hindi pa rin nagbabago ang nararamdaman niya. Hindi niya maitatangging nabighani talaga siya.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MELISSE: The broken wife ( TAGALOG) (Completed)

read
216.8K
bc

POSSESIVE MINE

read
971.9K
bc

UNDERWEAR/MAFIA LORD SERIES 5/Completed

read
312.3K
bc

SINFUL HEART (BOOK 1) SPG Completed

read
455.0K
bc

Sold Her Virginity (Tagalog)

read
826.6K
bc

NINONG III

read
365.0K
bc

My Husband's Secretary (TAGALOG)

read
1.4M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook