Thalia's Point Of View* Nakatingin ako ngayon sa kamay ko dahil di pa din ako makapaniwala. "I think that is for today." Lumapit si Dem sa akin at inanalayan niya akong tumayo pero bigla niya akong binuhat. Napatingin ako sa kanya. "Magpahinga ka muna." "Dem, nakita mo ba na gumalaw mag isa ang katawan ko? Hindi ko alam na ganun ang katawan ko? Isa din ba yun sa mga adrenaline rush ko?" "Maybe." "Di ako makapaniwala na nakayanan ko yung iwasan lahat ng iyon. Mukhang effective ang training ko with Alesya." Napangiti naman si Dem at tumango tango. "Are you hungry?" Bigla namang tumunog ang tiyan ko at napangiti ako at tumango dahil sa sinabi niya. "Siya gutom na." Tinuro ko ang tiyan ko at natawa naman siya at dumiretso kami sa kwarto namin mukhang magbibihis atah kami ngayon.

