NAGPALAKAD-LAKAD si Fan sa loob ng kwarto niya habang hinihintay ang tawag ni Tori. Inutusan niya kasi itong mag update sa kanya kung ano ang ganap sa spain o kung ano ang ipag-uutos ni Karrim dito. Come on! Call me, Tori... aniya na nauubusan na nang pasensya. Napahinto siya nang magring ang cellphone niya. It's Tori. Kaya agad niya iyong sinagot. "Balita?" "Young master, pinababalik ho ako dyan sa Tierra De Lobo para iligtas si Vance Fuentebella mula sa kapatid nitong si Vince at sa ex-girlfriend nitong si Leila." "I'll do it. Send me the address together with Vance picture." "Are you sure, young master?" "Yes. Just get back here and hide." "Copy." iyon lang at pinutol na nito ang linya. Kailangan niya ulit maghintay ng bente kwartrong oras bago kumilos. Nabaling ang tingin niy