PALAGING sinasabi ni Fan na hindi na siya magpapagamit sa ama o sa ibang tao, pero soon pa din ang palaging bagsak niya. Ang maging isang tao-tauhan. Walang emosyong tinitigan niya ang sarili sa full length mirror. Bumaba ang mga mata niya kanyang puson. Hindi na halata iyon dahil natatakpan na din ng maninipis na balahibo. Pero kung tititigan mong maigi, halatahang sumaan siya sa isang surgery. Sa mundong ito, hindi mo makukuha ang inaasam mo ng walang kapalit. Lahat ng bagay may halaga at katumbas. Wala ng libre ngayon. Inabot niya ang roba na naka sabit at isinuot iyon, kuway lumabas na siya ng banyo. Nadatnan niyang mahimbing ng natutulog si Karrim sa kama kaya nakahinga siya ng maluwag. Walang ingay na humakbang siya palapit doon. Sa sofa na lang siya matutulog. Baka madaig na nam