PAGKARATING ni Fan sa mansion ng ama, agad siyang eneskortan ng tauhan ng ama papunta sa opisina. Malalim na buntong hininga muna ang pinakawalan niya bago niya binuksan ang pinto at humakbang papasok. Naabutan niya ang ama na nakatanaw sa bintana habang sumisimsim ng alak sa hawak nitong kopita. Huminto siya isang hakbang ang layo mula rito. May talim sa mga mata nito nang pumihit ito paharap sa kanya. Agad siyang napako sa kanyang kinatatayuan dahil inilabas nito ang pamilyar na Pheromones. "Otōsan..." Isang malakas na sampal ang ibinigay nitong sagot sa kanya. "Traitor! How dare you doing this to your own father!" singhal nito sa kanya. Mariin niyang naikuyom ang mga kamay. Sanay na siya sa ganitong sakit mula sa kamay nito. "I'm not here to apologize. I'm here for Fin." Matapang