CHAPTER 66: PART 2: SSPG

1856 Words

TWO weeks, nakikita kong nagbabago na talaga ang kambal na ito. Nakita ko ang paglilinis nila sa buong rest house nila Isa. “Miss Rosalie, mukhang nagpapa-good shot talaga sila sa iyo!” saad ni ate Sandy sa akin. Nakaupo kaming dalawa rito sa sofa at tinitignan kung paano maglinis ang kambal na ito. Tumango ako sa kanya. “Nagpapalakas kamo,” nakangising sabi ko kay ate Sandy at pinanood ang dalawa. Nang matapos silang maglinis sa buong rest house nila Isa ay napaupo na sila sa magkabilang tabi ko. Binigyan ko sila ng juice na hinanda ni ate Sandy. “Meryenda po muna! Kaya pa po ba?” nakangising tanong ko sa kanilang dalawa. Nakita ko ang pagtango nila sa akin. “Of course, my darling! Maliit na bagay ang paglilinis sa buong rest house nila Master Kaiju!” nakangising sabi ni Kenzo.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD