ARAW, linggo, buwan at taon ang lumipas nang walang naghanap sa akin na Renzo and Kenzo. Akala ko hahanapin na nila ako nang mapanood ko ang balita na iyon, pero walang Kenzo and Renzo na sumulpot. Siguro ayaw na nila talaga nila sa akin. Siguro nagsawa na sila sa katawan ko, lalo na sa ugali ko. Siguro magaling sa bed si Bianca lalo naʼt virgin pa. Siguro sila na ngayon. “Miss Rosalie, breakfast niyo po.” Napataas ang tingin ko kay ate Sandy nang marinig ko ang boses niya. Nandito ako ngayon sa labas ng rest house nila Isa, nandito pa rin ako until now. Ayaw pa rin ako paalisin nina Isa and Kaiju. Hindi ko alam kung bakit ganoʼng maayos naman na ang pakiramdam ko. Hindi na ako umiiyak kapag naaalala silang dalawa. Hinatid ni ate Sandy ang breakfast kong tuyo, daing and tocino with sina