KENZOʼS NAKATINGIN ako kay Rosalie na mabilis na naglalakad palayo sa amin ni Renzo. “Wait, my darling. . .” malakas na sigaw ko sa pangalan niya pero bigla akong pinigilan ni Renzo sa paghabol sa kanya. Umiling siya sa akin at nakita ko ang pagtingin niya sa paligid ng basement. “No, Kenzo. Apat sila. . . Lalong magiging mapanganib ang buhay ni Rosalie. Stop.” mahinang sabi niya habang nakatingin pa rin doon. “Oh, f**k!” mura ko na lamang na sabi. Bakit bumalik pa sila? Napatay na namin ang leader nila kaya bakit? Naramdaman ko ang pagtanggal ni Renzo sa pagkakahawak niya sa akin. Napatingin ako sa kanya at nakita kong lumapit siya kay Bianca na hanggang ngayon ay nakahawak pa rin sa magkabilang pisngi niya, kung saan siya sinampal ni Rosalie. “You should go, Bianca! Pagkauwi mo