HINDI ko namalayang nakatulog pala ako pagkatapos nang pag-uusap namin ni Criza kanina. Bumangon na muli ako sa kama nang maramdaman kong kumukulo na ang aking tiyan. Naalala kong sopas lang pala ang kinain ko kaninang breakfast. Pumasok ako sa bathroom para makapaghilamos ako at makapagmumog na rin. Nang matapos na ako ay lumabas na rin ako at lumakad palabas ng aking room. Nasa hallway na ako ng second room nang mapansing wala akong naririnig na ingay mula sa ibaba at sobrang tahimik ng bahay namin ngayon. Teka, nanakawan ba kami? Pinasukan ba kami ng mga magnanakaw? Biglang kumabog nang husto ang aking dibdib kaya hindi ko malaman ang aking gagawin kung bababa pa ba ako? O, muling babalik sa room ko para magtago kung ganoʼng may magnanakaw nga sa loob ng bahay. Ang ginawa ko ay bum