KINABUKASAN, nagising ako sa katok, mabuti na lamang ay naalimpungatan ako ng gising kung ʼdi sasakit ang kamay nuʼn kakakatok sa pinto ng room. Bumangon ako sa aking bed at lumapit doon, nakita ko si ate Sandy na nag-aalala sa akin. “Miss Rosalie, may bisita po kayo. Huwag po kayong mag-alala hindi po sina Mister Renzo and Mister Kenzo ang nasa ibaba po ngayon. Sina Miss Isa and Miss Lanie po, gusto po kayong kausapin.” sabi ni ate Sandy sa akin. Nakahinga ako nang maluwag dahil sa sinabi ni ate Sandy sa akin. Akala ko ang kambal na iyon. “Pero. . . Miss Rosalie, actually, dumating po kanina silang dalawa pero hinarangan po agad sila ni Maʼam Megan. Hindi ko lang po marinig ang pinag-uusapan nila pero kita sa mukhang ni Maʼam Megan na galit siya. Magkaaway po ba kayong tatlo?” sabi niya