ISANG araw ang nakalipas nang magkausap kami ni Isa sa video call. Isang araw kong pinag-isipan ang sinabi niya sa akin na mag-usap kaming tatlo nina Renzo and Kenzo. Kung may problema man kaming tatlo ay kailangan namin pag-usapan kaya kahapon ay nagsabi ako kay kuya Rash na hindi ako papasok ngayong araw, mabuti na lamang ay pumayag siya. Tama ang sinabi ni Isa. Kailangan ko na silang kausapin para magkaroon naʼng peace itong isipan ko ngayon, ilang araw na rin kasi akong hindi nakakatulog nang mahimbing at dahil iyon sa dalawa. Kung ano man ang sasabihin nila sa akin ay tatanggapin. . . Kakayanin ko! Maaga akong nagising balak ko kasing puntahan sina Kenzo and Renzo sa company nila. Isang linggo na rin ang nakakalipas nang hindi kami nagkitang tatlo. Hindi ko alam kung bakit naglakas