“Rosalie, ikaw na ang next dito!” saad ni mommy sa akin kaya napatango ako sa kanya. “Hindi mo titignan ang anomaly scan mo, ha? Para magkaroon tayo ng gender reveal this week!” paalala ni mommy sa akin kaya tumango ako sa kanya. Ngayon ang araw ng follow up check up ko. Ang anomaly scan ay ngayon gagawin. “Miss Rosalie De Leon, kayo na po ang next!” Narinig ko na ang pangalan ko kaya tumayo na kami ni mommy at pumasok na sa room ni doctor Emily. “Good morning, Miss De Leon, welcome back! Are you ready sa anomaly scan mo today?” pagtatanong niya sa akin kaya tumango ako sa kanya. Pinahiga niya ako sa hospital bed at may kung anong nilagay niya sa aking tiyan. “Itatago ko ang result sa iyo, ha? Iyon ang sinabi ng mommy mo sa akin, Miss De Leon.” nakangising sabi ni doctor Emily sa a