NAG-UUSAP kami nina Isa, Anna, Kesha and Lanie ngayon dito sa isang table namin tungkol sa nangyaring Baby Gender Reveal kanina. Iyong mga lalaki naman kasi ngayon ay nag-iinuman na sila, lalo na sina Renzo and Kenzo na nangunguna sa inuman. “May kambal ka na agad, Rosalie! Lalo naʼt boy and girl ito!” natutuwang sabi ni Lanie sa akin. “Hindi ko ine-expect na kambal ang baby ko! Iniisip ko lang na girl ang anak ko dahil sa sinabi ni mommy sa akin na always akong blooming! Ganoʼn din kasi ang sinabi ni Isa sa akin nuʼng pinagbubuntis niya si Reese, right?” sabi ko sa kanila at napahawak ako sa aking tiyan. “Alam mo ba, ate Rosalie! Nang maipakita sa akin ni tita Megan ang anomaly result mo ay natuwa rin kami kaya habang pine-prepare namin ang ganap today ay excited na rin kaming makita a