HINDI ko alam kung ilang oras na kami ni ate Sandy na nakatali habang nakatayo kami ngayon, ang alam ko lang ay nangangawit na ako. Ilang oras pa dahil bibigay na ako. Nagugutom at nauuhaw na rin ako. Hindi ko makita ang paligid at kung ano na nangyayari dahil piniringan ulit kami ng mga tauhan ni Agustin. Isa lang talaga ang pinapanalangin ko na, sana hinahanap na kami nina Renzo and Kenzo at ng buong pamilya ko. Napabaling ang aking tingin sa kanan ko nang may marinig na putok ng baril. Hindi ako makapagsalita kaya hindi ko maitanong si ate Sandy kung naririnig din ba niya iyon. Bumilis ang t***k ng puso ko kaya lalo kong ginalaw ang tali sa aking kamay. Kailangan namin makaalis ni ate Sandy. Kailangan namin makatakas lalo naʼt hindi namin alam kung kanino nanggagaling ang putok ng