“Hey, donʼt cry na po, Renzo and Kenzo!” awat na sabi ko sa kanilang dalawa. Dalawang minuto na yata kaming nakatayo rito sa harap ng pinto. “Akala ko po ba ay gaganti kayo kina Chef Rainer and Mister Kenta?” saad ko sa kanila at nakita ko ang pagtingin nila sa akin. “Y-yes, my Rosalie. W-where are they?” pagtatanong ni Renzo sa akin. Dama ko ang inis sa boses niyang iyon. “Iyon, oh!” saad ko sa kanya at tinuro ang spot nina Chef Rainer and Mister Kenta. Nakita ko pa ngang tumatawa si Chef Rainer habang ang phone niya ay nakataas, mukhang bini-video-han niya kami ngayon. “Ha? Tumatawa ka pa talaga, ha?” Narinig ko ang inis at madiin na sabi ni Renzo. “Tsk! Dahil sa inyong dalawa muntik pa kaming ma-late at dito rin pala ang punta niyong dalawa.” dagdag na sabi ni Kenzo at ang kanilan