“Kilala mo ba sina Mr. Vasquez and Mr. Gilmore, Rosalie?” Napatigil ako sa paglapit sa table namin nang bumungad sa akin si kuya Rash. Kagagaling ko lamang sa restroom para tawagan ang dalawa. “Huh?” takang tanong ko sa kanya. “Hindi po, kuya Rash. Ngayon ko lang po nakita sina Mr. Vasquez and Mr. Gilmore!” palusot na sabi ko sa kanya. “Seryoso ka ba? Para kasing kilala ka nina Mr. Vasquez and Mr. Gilmore. Lalo na si Mr. Vasquez na panay ang tingin ko sa iyo. Baka may gusto sa iyon, Rosalie?” pagtatanong ni kuya Rash sa akin. Napangiwi ako sa sinabi niyang iyon. “Kuya Rash? Ayos ka lang ba? Si Mr. Vasquez panay tingin sa akin at may gusto? Kuya Rash naman! Oh, baka po, may dumi ako sa face ko kanina! Wala naman akong dumi sa face ko, ano po?” tanong ko kay kuya Rash. Baka kasi may du