Irene May mga bagay na binibigay sa atin na hindi natin alam kung hanggang kailan. Kung minsan, may mga taong darating at bigla na lang mawawala. May mga supling na binibigay ngunit wala pa man sa tamang edad, binabawi na rin agad. Lahat ng bagay ay may dahilan. Lahat ng bagay ay may hangganan. Hindi man natin mahawakan nang matagal ang mga mahal natin sa buhay, alam naman natin na kahit saan man sila naroroon, tayo ay may puwang pa rin sa kanilang puso. Kung minsan, nais kong itanong kung bakit ibinigay pa sa akin ang isang supling, kung babawiin din naman? Nadudurog ang aking puso mang masulyapan ko ang mukha ng aking anak habang siya ay nahihirapan. Hindi ko na alam kung saan ako kukuha ng lakas ng loob upang kumapit pa at umasa sa isang bagay na tanging himala na lang ang makagagaw