Irene "Pasensya na kayo, hindi ganoon kalaki ang condo unit na ito," wika ni Albie sabay sa pagbukas ng ilaw sa kanyang condo. "Simula nang makabili ako ng lupa at makapagpatayo ng bahay, hindi ko na nabibisita itong bahay, kaya pasensya na kung medyo magulo pa," dugtong niya. Halos malaglag ang aking panga nang ilibot ang paningin sa loob ng bahay na iyon. Hindi ko akalain na may ganitong condo sa isang lugar sa Cainta Rizal. Mataas ang kisame at mayroong second floor. Kung hindi ako nagkakamali, loft type ang tawag sa bahay na ito. Mint blue ang kulay ng pader at hindi masakit sa mata. Mayroon na ring kagamitan sa loob ng bahay. Leather ang sofa na nakatapat sa 34 inches na LED TV. Mayroon itong balcony at malawak na kusina. "Irene, ayos ka lang?" pagputol ni Albie sa mga bagay na a